top of page

Taurus na personalidad, mas lamang kesa sa Aries kaya ka-compatible ang Virgo na bf

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 26, 2022
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| February 26, 2022



Dear Maestro,


April 20, 1999 ang birthday ko at naguguluhan ako kung ano’ng zodiac sign ba talaga ang umiiral sa akin. May mga babasahing sinasabing Aries ako at may iba namang nagsasabi na Taurus ako. Ano ba talaga ang zodiac sign na dapat kong sundin? Kung Aries, lumalabas na hindi ko ka-compatible ang boyfriend kong Virgo na isinilang noong September 16, 1998, ibig sabihin ba nito, maghihiwalay din kami at may iba pa bang lalaking darating sa aking buhay na ka-compatible ko talaga?


Sa edad ko kasing 22, parang wala pa ring stable relationship na dumarating sa akin, lalo na kung maghihiwalay din kami ng boyfriend ko. Kailan ba ako magkakaroon ng stable relationship at makapag-aasawa?

Umaasa,

Kate ng Talaba, Bacoor, Cavite

Dear Kate,


Tulad ng mga dating tinalakay sa ating kolum, “cusps” ang tawag sa Astrology kapag ang isang birth date ay nasa pagitan ng dalawang zodiac sign.


Sa kaso mo na isinilang noong April 20, 1999, ikaw ay alanganing Aries at Taurus. Ibig sabihin, paminsan-minsan ay kapwa umiiral sa iyong katangian ang kapalaran o impluwensiya ng nasabing dalawang zodiac sign.


Kaya lang, dahil isang Virgo ang na-magnet mo, na kumakatawan sa iyong boyfriend na isinilang noong September 16, 1998, kung saan ang Virgo ay earth type sign, habang ang Taurus ay ganundin, kaya maihahaka na ngayon, higit na nananaig sa iyong katangian ang pagiging Taurus. Kaya kung may iba ka pang kaibigan na earth type sign tulad ng Capricorn, Taurus at Virgo, gayundin ang mga kaibigan at ka-close mo na Scorpio o Cancer, walang alinlangan na ikaw ay lamang na Taurus kaysa sa Aries.


At dahil nagkataong magka-compatible ang Taurus at Virgo, gayundin ang birth date mong 20 o 2 (ang 20 ay 2+0=2) sa birth date na 16 o 7 (ang 16 ay 1+6=7) ng kasalukuyan mong boyfriend, ayon na rin sa iyong Love Calendar, tiyak na sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, sa taong 2024, sa buwan ng Mayo o Oktubre, may isang masayang kasalang itatala sa inyong karanasan na hahantong sa maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page