top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Target na makapagbakuna sa 5-M katao, hindi naabot ng gobyerno

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 20, 2022
1 min read

@Editorial | February 20, 2022



Sa kabila ng puspusang pagsisikap ng gobyerno na mas marami pa sa ating mga kababayan ang mabakunahan, hindi pa rin nito naabot ang target na bakunahan ang limang milyong katao sa ilalim ng programang “Bayanihan, Bakunahan 3”.


Ayon sa ulat ng DOH, umabot lamang sa 3.5 milyon ang nabakunahan sa ikatlong sigwada.


Matatandaang, ginawa ang “Bayanihan, Bakunahan 3” noong Pebrero 10 hanggang 11, pero pinalawig pa ito ng hanggang Pebrero 18.


Isa umano sa mga dahilan kaya hindi naabot ang target ay dahil kulang ang health workers.


Marami pa umano sa mga ito ang abala pa sa pagbakuna kontra COVID-19 sa mga bata.


Gayundin, aminado ang ahensiya na maaaring kinakailangan pa mag-restrategize ng pamahalaan para mapalawak ang pagbabakuna.


Sa ngayon ay nasa 62.3 milyong katao na ang nabakunahan na sa bansa.


Bagama't dalawang taon na tayong nakikipaglaban sa pandemya, hindi pa rin ito natatapos.


Marami na tayong ginawang paraan at isinakripisyo para lamang manatiling ligtas at buhay, hiling lamang natin sa mga may kakayahan o wala namang ibang dahilan para hindi magpabakuna ay makipagtulungan na sa gobyerno.


Huwag maniwala sa fake news dahil walang mangyayaring progreso sa ating buhay kung patuloy tayong magpapaapekto sa maling impormasyon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page