Search
  • BULGAR

Tara Run n APO AT Sili Run lalarga sa virtual race

ni Anthony Servinio - @Sports | July 1, 2020




Parami ng parami ang mga fun run na ginagawang virtual race. Idagdag na sa listahan ang Tara Run n APO at Sili Run sa mga patakbong maaring salihan ngayong panahon ng “new normal” sa ilalim ng Green Media Events.


Ang Tara Run n APO ng APO Runners ay dapat ginanap noong Hunyo 28 sa Cultural Center of the Philippines para tulungan ang Learners With Special Education Needs. Maaring magpalista mula Hulyo 1 hanggang Oktubre 15, 2020 sa pahina sa Facebook ng Tara Run n APO.


Ang mga distansya ay 21 at 10 kilometro at ang race kit ay may kasamang singlet, finisher t-shirt, medalya at maskara. Tumakbo mula Oktubre 16 hanggang Disyembre 15, 2020 gamit ang treadmill o relos o telpono na may GPS at ipadala ang resulta sa greenmediaeventscompany@gmail.com at ipapadala ang mga gantimpala sa Enero ng susunod na taon.


Halos pareho ang proseso at patakaran ng Sili Run ng Bicolano Runners na hindi natuloy noong nakaraang Abril 26 sa CCP din. Ang fun run ay para tulungan ang Tiwala Kids and Communities sa Legazpi City, Albay.


Tampok sa Sili Run ang distanyang 16 at 10 kilometro at may naghihintay na singlet, finisher t-shirt, medalya, maskara at dagdag na bote ng alcohol para sa lahat. Ang pagpapalista ay sa Facebook ng Sili Run mula Hulyo 1 hanggang Setyembre 30 at ang takbuhan ay sa Oktubre 1 hanggang Nobyembre 30 para mahatid ang medalya at iba pa sa Disyembre, 2020.


Para sa mga nakalista na, maaring sumangguni sa Green Media Events kung nais lumipat sa virtual race ng mga nasabing fun run.


Determinado pa rin ang Green Media Events na ituloy sa kalsada ang mga naudlot na karera. Naka-reserba na ang Hunyo 27, 2021 para sa pagbabalik ng Tara Run n APO at susundan agad ito ng Sili Run sa Agosto.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.