top of page

Tapos na ang maliligayang araw ng mga epal

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 23 hours ago
  • 1 min read

by Info @Editorial | February 2, 2026



Editoryal, Editorial


Ipatutupad na ang Anti-Epal policy. Panahon na para tuldukan ang nakasanayang paglalagay ng mukha, pangalan, at slogan ng mga opisyal sa mga proyektong pinondohan ng taumbayan. Hindi ito personal na ari-arian ng pulitiko; pera ito ng publiko.


Sa pagpapatupad ng patakarang ito, malinaw ang mensahe: serbisyo, hindi pabida. 

Ang mga kalsada, gusali, sasakyan, at programang panlipunan ay gawa ng gobyerno, hindi ng iisang tao. 


Wala ring puwang ang maagang pangangampanya na binabayaran ng buwis ng mamamayan.


Higit sa lahat, ang polisiya ay hakbang tungo sa mas malinis at patas na pulitika. Kapag nawala ang libreng exposure ng mga nakaupo sa puwesto, mas nagiging pantay ang laban sa halalan at mas magpapakita ng tunay na performance ang mga opisyal.


Ngayong ipatutupad na ito, dapat maging mahigpit at walang palusot. Walang pangalan, walang mukha, walang epal. Kung may nagawa ang isang opisyal, hindi tarpaulin ang magpapatunay—kundi ang totoong serbisyo at proyekto na ramdam ng mamamayan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page