top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Taong nueve, uunlad sa negosyo ‘pag tinanggal ang yabang at nagpokus sa isang gawain

BULGAR
Jun 20, 2022
3 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| June 20, 2022


Dear Maestro,


Matagal akong nagtrabaho sa abroad at pagkatapos ay nagnegosyo ako. Ang problema, lahat ng hinawakan kong negosyo ay bagsak, kaya napapaisip ako na kung inipon ko ang mga nalugi kong puhunan, siguro ay napakayaman ko na ngayon.


Ngunit sa kabilang banda, ngayon ay masasabi kong unti-unti na akong nakakabayad sa mga utang ko. Dahil d’yan, balak ko na mamang magnegosyo dahil may naibenta kaming lupa sa probinsiya, at ang napagbentahan ang gagamitin kong puhunan. Kaya lang, natatakot akong mapunta na naman sa wala ang huling pera na mahahawakan ko.


Maestro, sadya bang wala akong suwerte sa negosyo? Kung mayroon naman, ano’ng produkto o negosyo ang angkop sa akin upang umasenso? August 27, 1977 ang birthday ko.


Umaasa,

Daniel ng Ibayo, Marilao, Bulacan

Dear Daniel,


Hindi tamang produkto ang kailangan mo kundi ang “concentration” o pokus sa iyong ginagawa. Karamihan kasi sa mga Taong Nueve (9) tulad mo (ang birth date na 27 ay 2+7=9) ay kulang sa pokus, kaya sila nabibigo at nalulungkot sa buhay. Marami sana silang nagagawa, pero dahil sa dami ng kanilang gustong gawin, hindi nila naibubuhos ang 100% nilang enerhiya sa iisang gawain.


Kaya tulad ng mga Taong Singko (5), ang kadalasang nagiging kapalaran ng mga Taong Nueve, kung saan kapag nawalan sila ng pokus sa iisang larangan, nabibigo sila sa buhay.


Ang hindi nila nalalaman, kung matututunan nilang ibuhos ang 100% na konsentrasyon sa iisang larangan, produkto at gawain, magiging maligaya at magtatagumpay na ang mga Taong Singko at Taong Nueve.


Ano naman ngayon ang dapat mong pagtuunan ng pansin matapos ang paulit-ulit na kapalpakan sa negosyo?


Sa pagkakataong ito, dahil ikaw ay Virgo na may birth date na 27 sa destiny number na 5, (8+27+1977=2012/ 20+12=32/ 3+2=5) ang dapat mong tutukan ay ang mga bagay o gawaing may kaugnayan sa komunikasyon tulad ng publishing, mass media, internet, cellphone, computer at iba pang mga high tech na kasangkapang uso ngayon. Kung ikaw naman ay isang writer o may kakaiba kang kilatis sa arts o sining, maaari ka ring mag-concentrate sa pagsusulat at paggawa ng mga kakaibang kuwento at nobela, kung saan ikaw pa lang ang magpapasok sa market ng nasabing bagong panitikan.


Bukod sa nasabing mga kalakal at gawain, puwede mo ring subukan ang mga negosyong ikaw ang nagde-deliver, nagde-dealer o ikaw ang middleman. ‘Yun bang negosyong naghahanap ka ng “order” at kapag nakakuha ka ng malaking order, papatungan mo ng kaunting halaga, habang ikaw naman ang kukuha sa mga kumpanya at magde-deliver sa um-order na tindahan. Kumbaga, ikaw ay ahente ng isang napakabili na kalakal.


Halimbawa ng ikayayaman mo ay ang pag-aahente ng mga gamot o supplies na ikaw lang ang nakakaalam na napakamura ng halaga. Kumbaga, hindi naman sa susulutin mo ang dating supplier, bagkus, ikaw ay magpapakilala ng dekalidad na produkto na mas mura, matibay at kapaki-pakinabang. D’yan ka magiging magaling at aasenso — ang magpakilala ng mga bagong kalakal sa mga dating kumukuha ng mga supplies. Pero kapag nakausap mo na sila, madali mo silang mapapaniwala, na bukod sa mas mura ang inaalok mo, matibay, matipid, mataas ang quality at maganda pa ang naturang produkto.


Sa mga gawaing nabanggit, ibuhos mo ang iyong konsentrasyon, lakas at oras, at makikita mo na magtatagumpay ka, gayundin, magiging maligaya ka habambuhay.

Habang, ayon sa iyong Career Calendar, basta aalisin mo ang yabang at ego sa iyong katawan, kusa kang yayaman at uunlad kahit ano pang negosyo o kalakal ang pasukin mo.


At sa sandaling sinunod mo ang mga rekomendasyon sa itaas, makikita mo, muli, anumang negosyo na sisimulan mo ngayon ay tiyak na hahantong sa iyong pagyaman na tinatayang magaganap sa taong 2027 at sa edad mong 49 pataas.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page