Tanod, kritikal sa palo ng dos-por-dos

@Balitang Probinsiya | June 15, 2023
Camarines Sur — Isang barangay tanod ang nasa kritikal na kondisyon nang hampasin ng dos-por-dos sa ulo ng kaalitan niyang lalaki kamakalawa sa Bgy. Iguldad, Naga City sa lalawigang ito.
Ang biktimang nagtamo ng malaking sugat sa ulo ay nakilalang si Rudy Pornilosa, nasa hustong gulang at residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, pauwi na si Pornilosa nang sumulpot ang suspek at agad pinalo ng dos-por-dos sa ulo ang biktima.
Agad dinala ng mga saksi si Pornilosa sa ospital, at kasalukuyang inoobserbahan.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek na hindi muna pinangalanan.



Comments