top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Tanggap na kabit dahil feeling destiny ang dyowa

BULGAR
Oct 19, 2022
2 min read

ni Sister Isabel del Mundo - @MgaKuwentongBuhayatPag-ibig | October 19, 2022


Dear Sister Isabel,


Umibig at nagmahal ako nang todo sa isang lalaking may asawa na. Mahal na mahal din niya ako at damang-dama ko ang pagmamahal niya kapag magkasama kami. Alam kong mali dahil maituturing akong kabit, pero wala akong magagawa.


Pakiramdam ko ay destiny namin ang isa’t isa, kaya naniniwala ako na kapag destiny mo ang isang tao, kahit ano’ng mangyari ay pagtatagpuin kayo ng tadhana upang magsama habambuhay. At ‘yan ang naganap sa buhay ko, kung saan tadhana ang nasunod kaya tinanggap ko na lang ang nangyari nang walang pakialam sa sasabihin ng mga tao.


Hinding-hindi ko hihiwalayan ang karelasyon ko ngayon. Maligaya kami kahit may iba siyang pamilya at ako ay kabit lang niya.


Sister Isabel, tama ba ako sa aking pasya? Hihintayin ko ang payo n’yo.



Nagpapasalamat,

Elvie ng Tarlac


Sa iyo, Elvie,


Mahirap maging judgmental, pero para sa akin, wala tayong magagawa kung ang isang tao ay itinadhana sa buhay mo dahil sa takdang panahon, magtatagpo kayo at magsasama habambuhay. Ganyan ang nangyari sa iyo, kung saan nang dumating ang destiny mo at may asawa na siya —na una niyang nakilala at nakatuluyan— subalit, wala kang nagawa dahil iwasan mo man siya, kayo pa rin ang itinakdang magsama habambuhay.


Ang sa akin lang ay huwag naman sanang madehado ‘yung tunay niyang asawa. Sana’y gawin niyang pantay ang pagtingin niya sa inyong dalawa, kumbaga, walang maaapi.

Gayunman, sana ay maging flexible ka at unawain mo ang sitwasyon. Huwag kang magdamdam o magselos kapag pinag-uukulan niya ng panahon ang tunay niyang asawa.


Sabi nga, everything has a purpose. Diyos lamang ang nakakaalam sa nangyaring ‘yan sa buhay mo, kung saan nang matagpuan mo ang destiny mo ay may nauna na pala sa iyo.

Hangga’t walang nasasaktan at nagkakaunawaan kayo, tuloy pa rin ang buhay na itinakda ng tadhana.


Sumasaiyo,

Sister Isabel del Mundo


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page