Tanda na magiging mayaman
- BULGAR
- Jan 3, 2024
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | January 3, 2024
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Teresa ng Pasig.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na ang payat-payat ko at para bang kulang sa sustansya ang aking katawan.
Payo ng best friend ko, dapat uminom daw ako ng maraming tubig, malaki umano ang maitutulong sa katawan ko kung marami akong iinuming tubig.
Dapat daw ay 8 glasses o higit pa ang iinumin ko araw-araw, at sinunod ko naman ang payo niya.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Teresa
Sa iyo, Teresa,
Napanaginipan mo na ang payat-payat mo at para bang kulang ka sa sustansya, ito ay pahiwatig na magiging maganda ang kapalaran mo sa darating na mga araw, at magtatagumpay ka sa lahat ng iyong binabalak.
Ang sinunod mo ang payo ng best friend mo na dapat kang uminom ng maraming tubig ay gaganda ang kapalaran mo, susuwertehin at sasagana rin ang iyong buhay.
Samantala, ang 8 glasses of water ay nagpapahiwatig na makakamit mo rin lahat ng iyong pinapangarap. Kung emotional side naman ang pag-uusapan, ito rin ay senyales na maraming kang trials na pagdaraanan sa unang bahagi ng iyong buhay, ngunit malalagpasan mo rin ito. Magiging isa ka rin sa pinakamayamang tao sa lugar n’yo.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna







Comments