top of page
Pokwang.jpg

Tamang presyo ng karneng baboy at manok, hinatulan na ng Pangulo, ‘di susunod, lagot!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 2, 2021
1 min read

@Editorial | February 2, 2021



Sa wakas, mapipigilan na ang patuloy na pagtaas ng presyo ng karneng baboy at manok, ‘yung tipong bibili ka pa lang naha-high blood ka na.


Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order (EO) 124, na nagpapataw ng “price ceiling”.


Ang nasabing price ceiling ay epektibo sa Metro Manila sa loob ng 60-araw.


Ayon sa Palasyo, ang pinakamataas na presyo na dapat itakda sa pige ng baboy ay nasa P270 per kilo, ang liempo ay nasa P300 habang ang manok ay nasa P160 kada kilo.


Matatandaang halos pumalo sa P380 hanggang P420 ang bentahan ng mga ito, bagay na nagtulak sa karamihan na bumili na lang ng ibang mauulam o matitinda.


Kasabay naman nito ay ang babala sa mga hindi susunod na maaaring maipasara ang negosyo.


Malaking tulong ang pagpapatupad ng price ceiling sa mga pangunahing bilihin. Maiiwasan ang pananamantala lalo na sa ganitong panahon na dumaranas tayo ng pandemya at hindi normal ang takbo ng pamumuhay. Mas marami at malaki ang gastos, pero mas limitado naman ang panggastos. Mapalad na kung may iba-budget, pero paano kung sagaran na ang kita, kulang pa pambayad ng utang?


Sa kabilang banda, tiniyak naman ng gobyerno na hindi madedehado ang mga negosyante sa pagtatakda ng price ceiling partikular sa karneng baboy at manok. Anila, ang ibababa ay hindi higit sa 25 porsiyento ng kasalukuyang mga presyo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page