top of page
Search
  • BULGAR

Tamang pirma para sa misis na gustong makapag-asawa ulit

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | January 16, 2022





KATANUNGAN

  1. Hiwalay ako sa asawa, dalawang taon na ang nakakaraan at mula noon, nagka-boyfriend din naman ako pero hindi kami nagtagal. Sa ngayon, wala akong boyfriend dahil maingat na maingat na ako. Iniisip ko kasing baka mag-boyfriend ulit ako at pagkatapos ay hindi ko na naman makatuluyan, parang ang mangyayari ay binababoy ko lang ang aking sarili. Gusto ko, kapag nag-boyfriend ulit ako ay siya na ang panghabambuhay kong makakasama.

  2. Sa edad kong 35, Maestro, alam kong hindi na ako bumabata at parang walang nangyayari sa buhay ko, kaya gusto kong magkaroon ng pamilya. Matutupad ba ang simpleng pangarap kong ito at kailan?

KASAGUTAN

  1. Kapansin-pansin na may ikalawang Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow b.) sa iyong mga palad, na nangangahulugang may ikalawang pag-aasawa o pakikipagrelasyon pang darating sa iyong buhay. At dahil higit na malinaw at makapal ang pangalawang Marriage Line na ito (arrow b.), ibig sabihin, sa ikalawang pakikipagrelasyon ay mas magiging maligaya ka at ito ay magiging panghabambuhay na.

  2. Ang problema lamang ay medyo magulo at nababoy ang iyong lagda, na kung hindi mo babaguhin ay posibleng kahit makapag-asawa ka muli, magiging magulo rin ang kauuwiang relasyon dahil sa kasalukuyan nga ay magulo ang unconscious mong pagkatao na nagre-reflect sa iyong pirma. Kaya bago ka maghanap ng bagong boyfriend o asawa, ayusin at pagandahin mo muna ang iyong lagda. Huwag mo nang babuyin o burarain pa, sapagkat sa simple at maayos na pirma, magkakaroon ka rin ng simple at maayos na pamilya.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Sa signature o pirma nakikita ang tunay na nangyayari sa loob at labas ng pagkatao ng isang tao. Kaya kung nababoy o naburara ang lagda, posibleng bigo, malungkot, kawalan ng pag-asa at depresyon ang nanahan sa kasalukuyang buhay ng nasabing indibidwal.

  2. Subalit kung malinaw, walang nababoy na letra, relaks lang ang pagkakasulat, walang bumalikwas sa kaliwa, bagkus, ang lahat ay patungo sa tamang direksiyon na pakanan, ito ay repleksyon ng positibo, tagumpay at maligayang indibidwal.

  3. Habang, ayon sa iyong mga datos, Karen, baguhin mo muna ang iyong lagda. Ayusin at pagandahin mo at sa sandaling nagawa mo ‘yan, tiyak ang magaganap, ayon sa iyong Love Calendar, sa taong 2023 at sa edad mong 37, may lalaking nagtataglay ng initial na R.A. ang muling darating sa iyong buhay na makakasama mo sa pagtatayo ng mas maligaya at panghabambuhay nang pamilya.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page