top of page
Search
  • BULGAR

Tamang panahon at lotto outlet na suwerte

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| January 17, 2021



Dear Maestro,


Ako ay kolektor sa isang pautangan, ang problema, nakadispalko ako ng malaking halaga. Kaya sa sandaling nagkabistuhan, maaaring matanggal na ako sa aking trabaho, pero hindi lang ako ang nakinabang dahil kasama ang supervisor at manager ko.


Sa ngayon, talagang hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko kapag nalaman na ito sa aming opisina dahil tiyak na masisibak ako. Kapag nagkataon, paano ko naman bubuhayin ang aking apat na mga anak? Madalas kaming tumataya sa lotto ng misis ko, pero hindi naman kami tumatama. Sana ay mabigyan mo ako ng suwerteng numero para makasapol kami ng jackpot at mabayaran ko ang pera na nadispalko ko. June 29, 1974 ang birthday ko.


Umaasa,

Dong ng San Quintin, Pangasinan

Dear Dong,


Ayon sa birth date mong 2 (ang 29 ay 2+9=11/ 1+1=2) at nagkataong 2 din ang destiny number mo (6+29+1974=2009/ 20+09=29/ 2+9=11/ 1+1=2), bukod sa sarili mong number na 2, mapalad ka rin sa lahat ng numero na may sumatotal na 1 at 7 tulad ng 1, 10, 19, 28, 37, 7, 16, 25, 34 at iba pang kauri nito. Maaari mo ring subukan ang 1, 20, 34, 36, 40 at 42, gayundin ang 2, 13, 25, 34, 37 at 44. Puwede ka ring humugot ng kumbinasyon mula sa mga numerong 39812/ 51627/ 97561/ 31342.


Dagdag pa rito, dahil ang 2 at ang zodiac sign mong Cancer ay may kaakibat na buntalang Moon, dapat sa tuwing tataya ka ay hintayin mo ang pagbilog ng buwan o ‘yung tinatawag na full moon dahil sa ganu’ng petsa o panahon, malaking suwerte ang matatanggap mo buhat ng langit, higit lalo kung laki o nasa high tide ang tubig sa dagat, ilog o batis.


Upang matiyak ang malaking panalo, maghanap ka ng lotto outlet na nasisinagan ng liwanag ng bilog na buwan ang bintana. Ang nasabing lotto outlet ang magpapatama sa iyo ng malaking halaga ngayong 2021 sa edad mong 47 pataas.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page