top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Tamang pagsusuot ng lucky color, paraan para lapitan ng suwerte

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 25, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| January 25, 2022



Dear Maestro,


Isa ako sa mga tagahanga n’yo at sinusubaybayan ko talaga ang mga artikulo n’yo para mabasa ang kapareho ng birthday ko. Kaya lang, hindi ako kuntento sa pagbabasa ng kapalaran ng kapareho ko ng kaarawan kaya naisipan kong sumulat sa inyo para direktang malaman ang aking kapalaran.


Isinilang ako noong November 16, 1995 at ngayon ay may aplikasyon ako sa abroad, kaya lang, sumabay pa sa muling pagtaas ng kaso ng COVID-19. Gayunman, nais kong malaman kung matutuloy ba ako at kung oo, kailan ito? Pangalawa, gusto ko ring malaman ang aking suwerteng kulay, petsa, buwan at taon. Panghuli, compatible ba kami ng boyfriend ko na isinilang noong July 2, 1995 at siya na ba ang makakatuluyan ko?


Umaasa,

Marissa ng San Agustin, Malabon City


Dear Marissa,


‘Yung tinatanong mo tungkol sa pag-a-abroad, sa totoo lang, karamihan sa mga taong may birth date na 7, 16 at 25 ay nakapangingibang-bansa kung lalakasan nila ang kanilang loob. At kung may indibidwal na aagapay at tutulong sa kanila, mas madali silang susuwertehin at papalarin sa pangingibang-bansa.


Gayunman, higit na makukumpirma kung makapag-a-abroad ka o hindi sa pamamagitan ng palmistry o guhit ng palad. Kaya sa susunod na e-mail mo, maglakip ka ng larawan ng kaliwa at kanan mong palad.


Samantala, mapalad ka naman sa kulay na pula, ayon sa zodiac sign mong Scorpio at destiny number na 6 (11+16+1995=2022/ 20+22=42/ 4+2=6), higit lalo tuwing sasapit ang mga petsang 6, 15, 24, 9, 18, 27, 3, 12, 21, 30, at kung ang nasabing mga petsa ay natapat sa araw ng Martes, Huwebes at Biyernes.


Tuwing sasapit naman ang mga petsang 7, 16, 25, 2, 11, 20, 29, 1, 10, 19, 28, 4, 13, 22 at 31, higit lalo sa araw ng Lingo, Lunes at Sabado, itim o berde ang isuot mong kulay.


Sa pagsusuot ng tamang kulay sa eksaktong petsa at araw, mas madali kang lalapitan ng mas maraming suwerte at magagandang kapalaran.


Kusa namang iigting ang iyong positibong karanasan mula sa ika-20 ng Pebrero hanggang ika-25 ng Marso, mula sa ika-20 ng Hunyo hangang sa ika-25 ng Hulyo at mula sa ika-20 ng Oktubre hanggang ika-25 ng Nobyembre.


Samantala, compatible kayo ng boyfriend mong Cancer dahil ang Cancer at Scorpio ay may iisang element — ang elementong tubig o water. Habang sa Numerology, ang birth date na 2 ng boyfriend mo na nagkataong suweto rin sa birth date mong 16 o 7 (ang 16 ay 1+6=7, ibig sabihin, sa pag-aanalisang Astro-Numerology, compatible talaga kayo ng iyong boyfriend at malaki ang posibilidad na kayo na ang magkatuluyan.


Habang, ayon sa Decadens ng Kapalaran, significant at favorable years mo ang kasalukuyang taong 2022. Sa panahong ito ng iyong buhay, sa edad mong 27 pataas, isa-isa nang matutupad ang lahat ng mga pangarap at ambisyon mo sa buhay – makapag-a-abroad ka, aasenso, uunlad at nakatakda ring magkaroon ng maligayang love life at panghabambuhay na pagpapamilya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page