Tamang paggamit ng lucky color at pagbabago ng lagda...
- BULGAR

- Jan 31, 2021
- 2 min read
Kailangan ng bebot na gustong magka-work at magka-love life
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| January 31, 2021
Dear Maestro,
May napansin ako sa aking buhay kung saan parang malas ako, lalo na sa pag-ibig at trabaho.
Wala akong trabaho ngayon at wala ring boyfriend, kaya ang wish ko ay suwertehin na ako.
Ano ba ang malas sa buhay ko, ‘yung pangalan kong Mary Rose o ang birth date kong 13? March 13, 1991 ang birthday ko.
Umaasa,
Mary Rose ng Landing, Limay, Bataan
Dear Mary Rose,
Kung susuriing mabuti, hindi naman masasabing malas ang birth date mong 13 o 4 (ang 13 ay 1+3=4), sa zodiac sign na Pisces at sa destiny number na 9 (3+13+1991=2007/ 20+07=27/ 2+7=9).
Sa halip, nasa tamang pamamaraan ng paggamit ng mga numero ang iyong tinataglay upang ang suwerteng dulot ng mga numero at zodiac sign ay iyong mapakinabangan.
Halimbawa, dahil 4 ang birth date mo sa zodiac sign na Pisces, kailangang palagi kang magsuot at gumamit ng kulay na dilaw at berde. Sa partikular na petsang 1, 10, 19, 28, 4, 13, 22, 31, lalo na kung araw ng Linggo, dilaw ang iyong isuot at gamiting kulay.
Kapag naman ang petsa ay 2, 11, 20, 29, 7, 16 at 25, lalo na kung araw ng Lunes, berde ang isuot at gamitin mo.
Isa pang halimbawang simpleng paraan upang mawala ang kamalasan ay dahil 9 ang destiny number mo, kailangang magsuot ka ng damit na pula o pink tuwing sasapit ang petsang 3,1 2, 21, 30, 6, 15, 24, 9, 18 at 27, lalo na kung ang mga petsang nabanggit ay natapat sa araw ng Martes, Huwebes at Biyernes.
At tandaang marami pang paraan upang mawala ang kamasalan.
Dahil Pisces ang zodaic sign mo, dapat ang pipiliin mong mga bestfriend ay silang mga ka-compatible mo, kabilang ang Cancer, Scorpio, Virgo, Capricorn, Taurus at Pisces na tulad mo.
Kasabay nito, dapat mo namang iwasan ang mga taong under sa zodiac sign na Aquarius dahil maaari ring imbes na suwerte ay dagdag na kamalasan lang ang idulot sa iyo nito.
Hinggil naman sa iyong lagda, na maaaring ito ang nagbibigay sa iyo ng kamalasan, mas mainam kung simpleng “M” at “R” na lang at hindi nababoy o naburara ang gawin mong simula ng iyong lagda at tapusin ito sa tuwid na guhit.
Sa ganyang simpleng lagda, hindi magkapatong ang letrang “M” at “R”, sa halip, magkahiwalay sila, kaya nababasa talaga ang mga letra at salita, gayundin, ito ay natapos sa straight line, kaya makikita mo na uunlad, susuwertehin at magiging maligaya ka, hindi lang sa pag-ibig at career kundi sa lahat ng aspeto ng iyong buhay.
Ayon sa Decadens ng Kapalaran, magsisimula itong mangyari at maganap sa susunod na taong 2022 sa edad mong 31 pataas kung saan sa panahong tinuran, magkakaroon ka na ng stable na career, magkaka-boyfriend ka na at habambuhay ng magiging maligaya.




Comments