Tamang birth date para suwertehin sa love life
- BULGAR
- Mar 22, 2022
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| March 22, 2022
Dear Maestro,
Isa akong Scorpio at ipinanganak ako noong October 30, 1996. Tulad ng mga nasabi n’yo, nararanasan ko ang kapalaran ng Taong Tres (3), nabigo sa unang pag ibig at hanggang ngayon ay wala pa ring asawa. Ano ang dapat kong gawin para maging masaya naman ang aking buhay pag-ibig?
Kung karera ang pag-uusapan, maganda naman ito dahil kahit nagka-pandemya ay maganda pa rin naman ang trabaho ko. Buhay pag-ibig na lang ang tingin kong kulang upang maging masaya na ako sa buhay.
Siya nga pala, Maestro, ang nakarehistro sa birth certificate ko ay November 10, 1996. Mas masuwerte ba ang numerong ito kesa sa totoo kong birthday na October, 30, 1996? Kung ‘yung November 10, 1996 ang gagamitin ko at tuluyang kalilimutan ang October 30, magbabago pa ba ang aking kapalaran o talagang ang pagiging Taong Tres pa rin ang aking sasadlakan? Sana ay matulungan n’yo ako at mabigyan ng magandang gabay tungo sa matagumpay at mas masayang buhay.
Umaasa, Vanessa ng Santa Cruz, Agoncillo, Batangas
Dear Vanessa,
Upang higit na lumigaya sa larangan ng pag-ibig at magkaroon ng mas marami at produktibong pakikipagrelasyon, mas tama kung November 10, 1996 ang gamitin mong birthday, habang tama ka na dapat kalimutan mo na ang birthday mong October 30, 1996 upang hindi ka na muling mabigo at lumuha sa ng pag-ibig.
Ang ikinaganda ng birth date na 1 o 10 (ang 10 ay 1+0=1) kung November 10, 1996 ang gagamitin mo, Sun o Araw ang magiging ruling planet mo, na alam naman nating lahat, na ang mga taong Sun o Taong Uno (1) ay may malakas na karisma sa opposite sex at bukod du’n, kilala rin sila sa pagiging maganda at mapang-akit na nilalang.
Dagdag pa rito, ang ikinaganda pa ng birthday na November 10, 1996, bukod sa birth date na 1, ikaw ay magtataglay ng destiny number na 1 rin, (11+10+1996=2017/ 20+17=37/ 3+7=10/ 1+0=1). Ibig sabihin, dalawang 1 ang magiging kapangyarihan mo, kaya mas madali kang makakahigop ng suwerte at magagandang kapalaran, lalo na sa larangan ng pag-ibig o love life.
Sa madaling salita, Vanessa, sa sandaling November 10, 1996 ang ginamit mong birthday at kinalimutan mo na ang October 30, 1996, tiyak na papalarin ka sa mga lalaking darating sa iyo, lalo na silang may mga zodiac sign na Cancer, Pisces, Taurus, Aries, Sagittarius at kapwa mo Scorpio, higit lalo silang may mga birth date na 7, 16, 25, 2, 11, 20, 29, 4, 13, 22, 31, 5, 14, at 23.
Sa piling ng mga lalaking nabanggit, tiyak ang magaganap, hindi ka na muling mabibigo pa sa pag-ibig, habambuhay ka nang liligaya, na nakatakdang mangyari sa susunod na taong 2023, habang pumapasok ang edad mo sa edad na 27.




Dear maestro
Isa po akong nakaranasa ng pagkabigo sa pag ibig,2 na lalaki ang nanloko po sa akin,sa isa po ay ako po ay kasal ngunit hnd pa din po pinalad. Ngayon po maestro may bago po akong kinakasama,ang birthday po nya at birthday ko po ay iisa,november 21 1986 po ang aming aarawan,oras na lamang po ang hindi po namin alam,halos walong taon na po kami nagsasama,may isa po kaming anak at ako po ay may tig isang anak sa dati kong kinasama at dating asawa ko pong asawa. Maestro may pag asa pa po kami makawala sa hirap ng buhay? And kmi po ay para sa isat isa? Maraming salamat po maestro..
Umaasa
Jhaira ng matatalaib, tarlac city.