ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Palad | June 4, 2024
KATANUNGAN
Hiwalay ako sa asawa ko, at ngayon ay may nanliligaw sa akin na hiwalay din sa kanyang asawa. Natatakot akong sagutin siya, baka maulit na naman ang nangyari sa una kong pag-aasawa na naging babaero at lasinggero.
Ang masaklap pa, madalas niya akong bugbugin, kaya hindi na ako nakatiis at nakipaghiwalay na ako sa kanya.
Sa palagay mo, Maestro, sa ikalawa kong pag-aasawa, may pag-asa pa kaya akong lumigaya o mas mabuting huwag na lang akong mag-asawa? Sa ngayon, may 2 kaming anak na mababait.
Dapat ba akong mag-asawang muli o manatili na lang akong walang asawa kasama ang aking mga anak?
KASAGUTAN
Kung mas uunahin mo ang takot at iisipin ang nakaraan, baka mangyari muli sa iyo ang dati mong naging mapait na karanasan. Ang tanong ay paano ka liligaya at magkakaroon nang okey na pamilya niyan, gayung nauunahan ka ng takot at pangamba?
Oo, may dalawa ka ngang anak na nakakasama mo ngayon, ngunit paano kapag nag-asawa na sila at nagkaroon na rin ng sariling pamilya? Minsan, kapag nagkakaroon tayo ng mapait na karanasan, mananatiling mapait na karanasan ito sa ating memorya na sadyang napakahirap burahin. Ramdam ko ang takot mo na baka maulit muli ang nangyari sa buhay mo. Pero sa totoo lang, hindi naman ganu’n! Dahil kung marunong kang magbasa ng kapalaran, makikita mo naman doon kung pangit o maganda ba talaga ang ikalawa mong pag-aasawa.
Sa kaso mo, Janna, kapansin-pansing higit na malinaw at maganda ang ikalawang Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow b.) kung ikukumpara sa nauna mong Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.
Ibig sabihin, tiyak ang magaganap, ang ikalawang maganda, suwabe at tuwid na Marriage Line ( 2-M arrow b.) ang mananaig sa iyong kapalaran. Ibig sabihin, sa ikalawa o muling pag-aasawa, may pangako na ng isang maligaya at panghabambuhay na kinumpirma nang gumanda mong Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow c. at d.) sa kaliwa at kanan mong palad.
Tanda na kung nabigo ka sa unang pag-aasawa, sa ikalawa pag-ibig at pakikipagrelasyon, walang duda, magtatagumpay at habambuhay kang liligaya.
DAPAT GAWIN
Habang ayon sa iyong mga datos, Janna, tulad ng nasabi na, ang mas makapal at mas magandang ikalawang Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad na nagsasabing sa ikalawang pag-aasawa na magaganap sa susunod na taon, sa edad mong 42 pataas, hatid ng isang lalaking may zodiac sign na Taurus. Sa piling niya, mabubuo ang ikalawang pakikipagrelasyon na hahantong sa isang mas maligaya at panghabambuhay na pagsasama.
Comments