top of page

Takot mangibang-bansa dahil arabo ang magiging employer

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 15, 2023
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Palad | March 15, 2023




KATANUNGAN


  1. May aplikasyon ako ngayon sa abroad bilang domestic helper (DH) sa Kuwait, pero nagdadalawang-isip ako kung tutuloy ba ako o hindi dahil ang sabi sa akin ng agency ay Arabo ang magiging employer ko.

  2. Dahil dito, hindi pa man ako natutuloy ay nauunahan na agad ako ng takot at pag-aalala. Gusto kong malaman kung may maganda ba akong kapalaran sa Kuwait, at kahit pamilyang Arabo ang magiging amo ko, hindi ba ako mapapahamak?

KASAGUTAN


  1. Alam mo, Rica, ‘yung kapahamakan, lalo na sa career at pagtatrabaho sa ibayong-dagat, nakikita ‘yan sa guhit ng mga palad. Kung wala naman nito sa kaliwa at kanan mong palad, sentido kumon na wala kang dapat ikatakot.

  2. Pansining maganda at okey naman ang Fate Line o Career Line (Drawing A. at B. F-F arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, sa iyong pagtatrabaho, anuman ang pinagkakaabalahan mo, siguradong kumbaga sa naglalayag sa karagatan, very smooth sailing ang magiging biyahe ng iyong buhay. Ibig sabihin, walang magiging problema sa iyong career at trabaho kahit saang panig ka pa ng mundo mapadpad.

  3. Dagdag pa rito, kapansin-pansin din ang malinaw, malawak at magandang Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na kahit Chinese, Greek, Palestino, Indiano, Israelita o Arabo pa ang magiging employer mo sa abroad, sigurado na magkakaroon ka ng mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa. Ito ay madali namang kinumpirma at pinatunayan ng hindi nababoy, nasira o naburara mong lagda. Sa halip, ang suwabeng-suwabe at maganda mong signature ang nagsasabing sa pakikipagsapalaran sa ibayong-dagat, tulad ng naipaliwanag na, kahit ano’ng nasyonalidad ang maging employer mo, walang duda na papalarin, susuwertehin at magtatagumpay ka.


MGA DAPAT GAWIN


  1. Habang, ayon sa iyong mga datos, Rica, ‘wag kang mag-alinlangan sa iyong kakayahan at ginagawa sa kasalukuyan. Ngayon ay panahon upang suwertehin ka nang suwertehin sa iyong pangingibang-bansa.

  2. Kahit sabihin pang Arabo ang magiging amo mo, tiyak na magkakaroon ka pa rin ng masagana at mabungang pangingibang-bansa. Ito ay nakatakdang mangyari sa taon ding ito ng 2023, sa buwan ng Hunyo o Hulyo at sa edad mong 32 pataas.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page