top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Takot makipag-meet sa foreigner bf

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 27, 2023
1 min read

ni Sister Isabel del Mundo @Mga Kuwento ng Buhay at Pag-ibig |Pebrero 27, 2023


Dear Sister Isabel,


Gusto kong humingi ng payo tungkol sa boyfriend kong foreigner. Nu’ng una ay gustong-gusto niyang pumunta rito sa Pilipinas, nagpahanap ako ng house and lot na puwede naming tirahan bilang husband and wife dahil pakakasalan daw niya ako, pero bigla siyang nagbago.


Magkita na lang daw muna kami sa Canada at sagot niya ang lahat ng expenses. Pero gusto ko na rito muna siya pumunta dahil natatakot ako na ru’n kami magkita at tuluyan nang titira sa iisang bubong.


Ano ang mabuti kong gawin?

Nagpapasalamat,

Dolores ng Pasig City


Sa iyo, Dolores,


Sabihin mo sa boyfriend mong foreigner ang tunay na nilalaman ng puso mo. Sabihin mo na gusto mong dito muna kayo magkita sa Pilipinas at dito na rin magpakasal, saka na lang kayo pumunta sa Canada.


Kung hindi siya pumayag, ang ibig sabihin niyan ay hindi ka niya talaga niya mahal at may iba siyang agenda. Delikado kung du’n kayo magkikita tapos ay tuloy-tuloy na magsasama bilang mag-asawa. Kung may mangyari man sa iyo, wala kang mahihingan ng tulong dahil wala ka namang kakilala ru’n.


Mag-isip-isip ka muna bago magpasya. Tandaan na mahirap magsisi sa dakong huli.


Sumasaiyo,

Sister Isabel del Mundo


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page