top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Takot madamay sa gulo ‘pag nabuking na may kabit ang babaeng amo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 14, 2020
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad| September 14, 2020




KATANUNGAN

  1. Ako ay isang katulong at ngayon, nasa abroad ang amo kong lalaki habang kaming dalawa lang ng amo kong babae ang naiwan sa bahay at ang isa nilang anak na 4-anyos.

  2. Ang problema, may lihim na karelasyon ang amo kong babae at kapag nalaman ito ng aking among lalaki, tiyak na may malaking gulo. Kung hindi naman niya malalaman, parang naaawa ako sa kanya dahil nagtitiis at nagsisikap siya sa abroad para sa kanyang pamilya, tapos lolokohin lang siya ng kanyang misis.

  3. Sa ngayon, balak kong isumbong ang amo kong babae, kaya lang, nagdadalawang-isip at natatakot ako kung ito ba ang dapat kong gawin. Kung hindi ko siya isusumbong, baka ako naman ang sisihin ni sir kapag nalaman niyang may lalaki ang misis niya, tapos hindi ko siya sinabihan.

  4. Nalilito tuloy ako kung ano ang gagawin ko, kaya balak ko nang umalis at lumipat ng ibang trabaho para hindi na lang ako madamay sa gulo. Tama ba ang pasya ko? Kung lilipat ako ng ibang trabaho, madali kaya akong makahahanap ng bagong amo na mabait din tulad ng kasalukuyan kong amo?

KASAGUTAN

  1. Tama ang iyong pasya. Hindi ka dapat makialam sa personal na problema ng mag-asawa, lalo na kung amo mo sila dahil sa bandang huli, ikaw pa ang maaaring masisi at malintikan. Isipin mo, kung isusumbong mo ang amo mong babae, kapag nalaman na ikaw ang nagsumbong sa mister niya, siguradong yari ka sa kanya. Kapag naman hindi mo isinumbong ang amo mong babae sa kanyang panlalalaki at nalaman ng amo mong lalaki na may alam ka pala sa mga nangyayari, malamang na isa ka nga sa mga sisisihin niya.

  2. Kaya ang mas tama ay ang una mong naisip na desisyon kung saan bago mahuli ang lahat ay umalis ka na sa kasalukuyan mong amo na siya namang nais sabihin ng nagbago o nag-iba ng linya na Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow a.) pero hindi naman naputol o huminto (arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  3. Ibig sabihin, dahil sa isang sitwasyong hindi inaasahan, may pagbabago sa iyong pasya at sa iyong trabaho na sa bandang huli, mula sa dati at okey ng trabaho, lalo pang bubuti at gaganda ang iyong hanapbuhay na tulad ng nasabi na, ang pagbabago ng career na ito ay humigit-kumulang ngayon na nga mangyayari.

DAPAT GAWIN

Habang, ayon sa iyong mga datos, Carla, hindi mo dapat pakialaman ang problema ng iyong mga amo. Sa halip, isipin mo kung paano mapagaganda ang iyong trabaho, ang iyong kinikita at ang sarili mong buhay. Kaya tama ang iyong pasya na maghanap ng ibang trabaho at makikita mo na ngayong 2020 sa buwan ng Oktubre, makatatagpo ka na ng bagong trabaho, na mas magiging payapa ang isipan mo at magiging masaya ka. Kasabay nito, tuluy-tuloy na ring uunlad ang kabuhayan mo hanggang sa makapagsimula ka na rin ng sarili mong mas masaya at panghabambuhay na pamilya (Drawing A. at B 1-M arrow c.).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page