top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Takot iwan ng babaerong mister

BULGAR
Apr 28, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | April 28, 2022




KATANUNGAN

  1. Ang problema ko ay nambabae ang aking asawa at naisipan kong sumangguni sa inyo upang malaman kung kailan mahihinto ang ginagawa niyang pambababae? Baka mangyari ang kinakatakutan ko na magtutuloy-tuloy ang kanyang bisyo at sa bandang huli ay magkaroon siya ng bagong pamilya at iwanan kami ng mga anak ko. Tuwing nahuhuli ko kasi siya, humihingi siya ng tawad at nangangakong hindi na niya uulitin, pero paulit-ulit din naman niyang ginagawa.

  2. Ano ang dapat kong gawin para tumigil na siya sa pambababae at nasa guhit ba ng aking mga palad na kami ay maghihiwalay? Para ngayon pa lang ay mapaghandaan ko na ang kanyang paglayo.

KASAGUTAN

  1. Suriin mo ang kaliwa at kanang palad ng mister mo. Kung Guhit lang ng Pambabae o Influence Line (Drawing A. at B. I-I arrow a.) ang namataan sa kaliwa at kanan niyang palad, pero matino, iisa at maayos naman ang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow b.) sa kaliwa at kanang palad, ito ay tanda na nambababae lang siya para maglibang o sabihin nating ‘yun ang kanyang bisyo. Pero sa bandang huli, hindi naman niya magagawang iwanan ang kanyang pamilya dahil nagtataglay siya ng malinaw, iisa at hindi nabiyak at hindi magulong Guhit ng Pag-aasawa (arrow b.) sa kaliwa at kanang palad. Kaya tulad ng nasabi na, ito ang pambababaeng “manageable”, na hindi naman hahantong sa pagtatayo niya ng ikalawa o bagong pamilya.

  2. Ang pag-aanalisang wala kang dapat ipangamba ay madali namang kinumpirma ng maganda at maayos mo ring Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow b.) sa kaliwa at kanang palad. Tanda na hindi mo na dapat problemahin ang pambababae ni mister dahil tulad ng pangkaraniwang bisyo gaya ng sabong, sugal at alak, ganundin ang turing niya sa babae – isang nakawiwili at nakakalimot ng problema na libangan, pero kailanman ay hindi niya inisip o balak na palitan o iwanan ang orihinal niyang pamilya.

DAPAT GAWIN

Habang, ayon sa iyong mga datos, Irish, tiyak ang magaganap, kahit ngayon o sa ibang panahon ay paulit-ulit na magawa ni mister na mambabae, hindi naman magiging dahilan ‘yun upang masira o iwanan niya ang kanyang pamilya. Sa halip, kahit nambabae si mister, tiyak na ang magaganap – mananatili pa rin ang buo, maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page