top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Takot hiwalayan ng misis dahil ‘di satisfied sa sex life

BULGAR
May 30, 2022
3 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | May 30, 2022



KATANUNGAN

  1. Ang aking problema ay tungkol sa aking buhay may-asawa. Bagong kasal pa lang kami ng misis ko, pero sa totoo lang, pakiramdam ko ay hindi siya satisfied tuwing nagtatalik kami dahil mabilis akong natatapos. Sa tingin ko ay hindi lang siya nagsasabi, pero sa tingin ko ay nabibitin siya.

  2. Gusto ko ring malaman kung panghabambuhay na ba ang pagsasama naming mag-asawa dahil nakita ko sa aking palad na parang may maliit na bilog ang Heart Line. Sabi n’yo, kabiguan sa pag-ibig o pakikipagrelasyon ang bilog o island sa Heart Line.

  3. Hindi pa ako nabibigo sa pag-ibig dahil ang first girlfriend ko ang aking misis.

KASAGUTAN

  1. Ayon sa mga pag-aaral, ganyan naman talaga sa unang taon ng pag-aasawa kung saan maraming adjustment at ang isa sa pinakamahalaga at normal sa mag-asawa ay ang sexual adjustment. Maraming mga aklat na puwedeng basahin upang mag-improve ang inyong sexual life. Magbasa-basa ka ‘pag may time upang maging malikhain, masarap at maligaya ang pagtatalik n’yong mag-asawa.

  2. Gayunman, bilang dagdag-kaalaman, ang mabilis “natatapos” ay may kaugnayan sa psychological stress. Maaaring labis kang nababalisa o nababahala o pagod ang iyong katawan at isipan sa trabaho, ngunit may paraan d’yan, na tatalakayin natin sa susunod na mga araw. Pansamantala, magbasa-basa ka muna ng mga libro na may kaugnayan sa love at sexual life ng mag-asawa.

  3. “Hindi kayo maghihiwalay ng misis mo kahit pakiramdam mo ay hindi siya satisfied sa inyong pagtatalik”. Ito ang nais sabihin ng kaisa-isa, makapal at malinaw na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na kung sino ang una mong naging girlfriend at napangasawa, siya rin ang kaisa-isang babaeng panghabambuhay mo nang makakasama.

  4. Sa tanong kung may bilog ang iyong Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad, gayung sa pagkakatanda mo ay wala ka pa namang kabiguang naranasan sa pag-ibig o pakikipagrelasyon, gayundin, misis mo ang first and last girlfriend mo, ang Medical Palmistry ang sumagot sa iyong katanungan —kung ikaw ay medyo mataba o may bilugang porma ng pangangatawan o malakas manigarilyo, ang island o bilog sa Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow b.) ay tendency ng circulatory ailment o sakit na may kaugnayan sa puso, ugat at daluyan ng hangin at dugo.

  5. Dahil dito, ingatan mo ang nasabing mga bahagi ng iyong katawan upang maiwasan ang nasabing tendency o predisposing factor na maaaring magpahina ng iyong kalusugan sa panahong medyo nagkakaedad ka na. Pero sa ngayon, dahil bata ka pa, wala kang dapat ipag-alala, kaya ituloy mo lang ang masayang buhay at tulad ng nabanggit, magbasa ka ng mga libro na may kaugnayan sa pagsisiping ng mag-asawa, upang mas epektibo mong mapaligaya si misis tuwing kayo ay magtatalik.

MGA DAPAT GAWIN


  1. Sabi nga, Mr. Capricorn, practice makes perfect. Ibig sabihin, pinapraktis din ang masarap at maligayang pagtatalik, kaya ‘wag kang tumigil sa trial and error o pag-e-eksperimento ng mga pamamaraan dahil darating din ang panahong magagawa mong makarami at mapaligaya si misis sa larangan ng pagtatalik.

  2. Habang sa kasalukuyan at sa susunod pang mga pnahon, kahit sabihin pang bad o hindi kagandahan ang performance mo sa kama, ‘wag mo nang masyadong intindihin ‘yun dahil ayon sa iyong mga datos, nakatakda na ang magaganap. Kahit ano pa ang mangyari, hindi ka pa rin iiwanan ng iyong asawa, sapagkat nakatadhana na ang inyong masaya at panghabambuhay na pagsasama.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page