top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Takot hiwalayan ng bf ‘pag nalamang ‘di na virgin

BULGAR
Mar 30, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | March 30, 2022



KATANUNGAN

  1. Niyayaya na akong magpakasal ng second boyfriend ko dahil nasa hustong edad na rin kami para mag-asawa. Minsan ay nasabi niya sa akin na virgin ang babae na gusto niyang pakasalan, pero hindi namin ulit napag-usapan ‘yun. Ang hindi niya alam ay hindi na ako virgin, may nangyari na kasi sa amin nu’ng first boyfriend ko.

  2. Ang problema, mahal na mahal ko na siya at siya na ang gusto kong mapangasawa. Kaya lang, natatakot akong ipagtapat sa kanya ang aking nakaraan dahil baka bigla niya akong iwanan kapag nalaman niyang hindi na ako virgin.

  3. Sumangguni ako sa inyo upang malaman kung siya na ba ang mapapangasawa ko at makakasama habambuhay kahit malaman niyang hindi na ako virgin? Kung ipagtatapat ko sa kanya ang aking nakaraan, ano ang magandang timing, bago kami ikasal o pagkatapos na lang ng kasal?

KASAGUTAN


  1. Wala ka namang dapat ipag-alala sa tamang timing o panahon kung kailan mo ipagtatapat sa iyong nobyo ang iyong nakaraan. Ito ang nais sabihin ng dalawang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M at 2-M arrow a. at b.) sa kaliwa at kanan mong palad, kung saan pansinin mo ang ikalawang nasabing guhit ng pag-aasawa (arrow a.), higit siyang mahaba at makapal kaysa sa nauna (arrow b.). Tanda na kung sino ang ikalawang seryoso, mahaba at meaningful relationship na darating sa iyo, siya na ang mapapangasawa mo at makakasama habambuhay, na madali namang kinumpirma at pinatunayan ng birth date at destiny number mong 2.

  2. Ito naman ay tanda na ang lahat ng pangyayari, sitwasyon, nilalang o indibidwal na may bilang na ikalawa ay sadyang significant o lubhang mahalagang pangyayari ang idudulot sa buhay mo. Ibig sabihin, puwede kang magsaya at magdiwang dahil kahit malaman pa ng iyong nobyo na hindi ka na virgin, hindi ka pa rin niya magagawang iwanan. Dahil isipin at tangkain man niyang makipaghiwalay, babalik din siya sa iyo, upang minsan pa, matutupad ang nakatakda at siya ring nakaguhit sa iyong palad – kayo ay magkakatuluyan, magiging mag-asawa at magsasama sa pagtatayo ng maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.

DAPAT GAWIN

Habang, ayon sa iyong mga datos, Kristel, wala kang dapat problemahin sa kasalukuyan dahil kahit naipagkaloob mo sa una mong nakarelasyon ang iyong pagkababae at ngayon ay natatakot kang iwanan ng kasalukuyan mong boyfriend kung malalaman niyang hindi ka na virgin, hindi mangyayari ‘yun. Sa halip, ayon sa iyong mga datos, ang kasakuluyan mong boyfriend ang nakatakda mong mapangasawa at makasama sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya, na nakatakdang mangyari sa susunod na taong 2023, sa buwan ng Oktubre o Disyembre.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page