Takdang Panahon para sa mga dehadista at Magnificent Lady, solohin
- BULGAR

- Jan 31, 2021
- 1 min read
ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | January 31, 2021
Binabati ko nga pala ng happy racing day ang bayang karerista na sumusubaybay sa aming pahayagang BULGAR lalo na riyan sa Malvar, Batangas.
Labindalawang karera ang magaganap sa Metro Manila Turf Club Inc.,(MMTCI), na kapapalooban ng tatlong Winner Take All (WTA) dalawang Pick 6 at Pick 5. Sa Race 1, nakalalamang ang Vonquisher (3), habang panegunda ang Sagitsit (9) at magandang pandehado ang Takdang Panahon,sa Race 2 lamang ang Security Supreme (6) habang makakalaban ang Call To Honour.
Sa Race 3 nakalalamang ang Princess Isabelle habang mahigpit na katunggali ang couple entry no.3 (Cat’s a Day/Laughing Tiger) at sa Race 4 napipisil ko ang Damong Ligaw (4) at panegundo ang Putatigerinurtank (10). Sa Race 5 balikatan ang laban sa pagitan ng Hot Legs (2) at Fortune Island (10) at kasamang mapapalaban ang Malatan Og Falls (8). Sa Race 6 nakalalamang ang couple entry no.7 (Et Tu Brute/My Way) at makakalaban ang Jersy Savings (5) at magandang dehado ang Ranagant (3).
Sa Race 7 ipinapatok ang Magnificent (11) habang sa Race 8 mahigpit na magkakalaban ang Easy Landing (14) at Good Reason (13). Umaatikabong labanan ang magaganap sa Race 9 sa pagitan ng Universe (9), Rodrigo (2) at Since When (5),habang sa Race 10 ay nakalalamang ang Kalmot Pusa, panegunda ang Sta.Monica One (2) at mainam na pangdehaddo ang Morning Girl (4).
Sa race 11 magkakalaban ang No Problem (7), Coastal Road (1) at Happy Julliane (4) at sa Race 12 nakalalamang ang Kick The Gear (1) habang makakalaban ang Sinag (14).




Comments