top of page

Tagaytay City, bukas na uli sa mga turista

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 6, 2020
  • 1 min read

ni Thea Janica Teh | September 6, 2020


ree


Papayagan nang makapamasyal muli ang mga turista sa Tagaytay City sa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) status, ayon kay City Administrator Gregorio Monreal.

Ibinahagi ni Monreal na welcome na muli ang mga turista sa kanilang lugar, ngunit pinaalalahanan ang mga ito na sumunod pa rin sa health protocols tulad ng physical distancing at pagsusuot ng face mask.

Mananatili pa rin ang mga checkpoint sa pagpasok sa Tagaytay ngunit hindi na inoobliga na magpakita ng travel pass. Ang kailangan lamang ay mag-fill up ng health declaration form.

Sa inilabas na memorandum ni Tagaytay City Mayor Agnes Tolentino, ang lahat ng establishment na pinapayagang magbukas sa ilalim ng MGCQ ay kinakailangang sumunod sa health protocols para maprotektahan ang kalusugan ng trabahador at mga kostumer.

Ang mga hotel ay pinapayagan na ring magbukas ngunit 50% lamang ng kapasidad nito ang maaaring tanggapin. Kinakailangan din na may clearance at accreditation ang hotel mula sa Department of Tourism.

Bukod pa rito, ibinahagi rin ni Tolentino na ang Tagaytay City Oval at Skateboard and BMX tracks ay bukas mula 8:00 am hanggang 10:30 am at 3:00 pm hanggang 5:30 pm lamang.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page