top of page

Tagapagligtas, nakasakay sa UFO na tinitingnan ng nanaginip

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 2, 2020
  • 2 min read

ni Seigusmundo Del Mundo - @Panaginip, salamin ng inyong buhay | July 2, 2020



Salaminin natin ang panaginip ni Mary na ipinadala sa Facebook Messenger.


Dear Professor,


May pinanonood kami sa itaas na parang UFO, tapos nasa gitna pala kami ng dagat na kulay asul. Hindi ako makapunta sa tabing-dagat dahil hindi ako marunong lumangoy.


May lumapit sa akin na batang lalaki at kinapitan ako para makapunta ako sa tabing-dagat. Mabilis kaming nakarating at nasa tulay na agad kami.


Naghihintay,

Mary


Sa iyo Mary,


Sa buhay ng tao, napakaraming pangyayari ang hindi niya maunawaan kung bakit nagaganap at minsan, nawawalan na siya ng pag-asa dahil nagtataka siya kung bakit siya pa ang dumaranas ng paghihirap, habang ang mayayaman na masasama naman ang ugali ay siya pang minamahal ng langit.


Sa ganitong kalagayan, ang tao ay nananaginip ng tagapagligtas at sa panahon ngayon na pagtatawanan ng mga tao kung si Lord Jesus mismo ang bababa at magpapakita nang personal.


Ikaw sa palagay mo, kung may isang tao na mahaba ang buhok na tulad ng larawan ni Jesus ang magsabi na siya si Lord, maniniwala ka ba? Ang mga tao, ano kaya ang magiging reaksiyon nila? Ang mga pulis, sa palagay mo, ano ang gagawin sa taong magpapakilala na siya si Lord Jesus?


Tulad sa lumang panahon, siya ay huhulihin, ikukulong, kukutyain, pagtatawanan at sasabihing baliw at sasagot naman ang Kristong nagpakilala. Hulaan mo ano ang kanyang sasabihin?


Ano pa nga ba kundi “Patawarin mo sila, Ama, hindi nila alam ang kanilang ginagawa.”

Ito ang tunay na dahilan kung bakit ang langit at ang mga banal na santo ay sa panaginip nagpapakita at ang mga tagapagligtas sa panaginip ay ilalarawan ng mga UFO na sakay ang magliligtas.


Kaya sabi ng iyong panaginip, anuman ang kalagayan mo ngayon, may problema ka man sa buhay– pera man o kahit na ano, nagpasaya ang langit na ikaw ay iligtas sa mga bagay na nagpapahirap sa iyo.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page