top of page

Taga-isip ng strategy vs. kahirapan.. Gadon, bagong adviser ni P-BBM

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 27, 2023
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso | June 27, 2023



ree

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., si Atty. Larry Gardon bilang Presidential Adviser for Poverty Alleviation.


Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), makikipagtulungan si Gadon sa iba't ibang ahensya ng pamahalaan, non-government organizations at sa iba pang stakeholders upang bumalangkas ng mga programa na tutugon sa ugat ng kahirapan sa bansa.


"He will play a pivotal role in advising the President on strategies and policies aimed at combating poverty and improving the lives of the most vulnerable sectors of society," pahayag ng PCO.


Naniniwala ang administrasyong Marcos na ang naging karanasan ni Gadon bilang isang corporate executive at legal counsel sa iba't ibang sektor ay makatutulong sa makabago at pangmatagalang estratehiya upang mabawasan ang kahirapan sa bansa.


Matatandaang naging kontrobersyal si Gadon dahil sa mga naging pahayag laban sa mga mamamahayag kung saan sinuspinde noon ng Korte Suprema bilang abogado dahil dito.


Matatandaang tumakbo si Gadon sa senatorial elections sa ilalim ng UniTeam slate nang noon ay standard bearer na si Marcos at ang kanyang running mate noon na si Sara Duterte.


Si Gadon ang ikalawang senatorial candidate ng UniTeam na itinalaga sa pwesto sa ilalim ng administrasyong Marcos.


Ang unang senatorial bet na pinangalanan sa Marcos Cabinet ay si Gilberto 'Gibo' Teodoro na itinalagang National Defense secretary.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page