top of page

Taas-presyo sa petrolyo at dagdag-pasahe, pahirap sa taumbayan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 15 hours ago
  • 1 min read

by Info @Editorial | February 19, 2026



Editoryal, Editorial


Walang preno ang pagtaas ng presyo ng petrolyo, tuloy din ang paghihirap ng mga Pilipino. 


Hindi na sapat ang paliwanag na nakaangkla ito sa galaw ng pandaigdigang merkado. Ang kailangan ngayon ay agarang aksyon, hindi paulit-ulit na pahayag o palusot.


Pangunahing sapul ang mga tsuper. Dahil sa mahal na diesel, halos wala nang naiuuwi ang marami sa kanila. Kaya napipilitan silang humirit ng dagdag-pasahe. Hindi ito luho—ito ay para mabuhay. Pero sa bawat dagdag-pasahe, dagdag-pasanin din ito sa mga pasahero.


Hindi puwedeng ipasa sa driver at commuter ang bigat ng krisis. Dapat bilisan ng gobyerno ang fuel subsidy, bawasan pansamantala ang buwis sa langis, at tiyaking may malinaw na plano para pababain ang epekto ng oil price hike. 


Kung may pondo para sa ibang proyekto, dapat may agarang pondo rin para sa sektor na direktang naaapektuhan.


Kung hindi kikilos ang pamahalaan nang mas mabilis at mas malinaw, lalong dadami ang susukong tsuper at lalong iigting ang galit ng taumbayan. 

Sa panahon ng krisis, hindi sapat ang salita—dapat may konkretong gawa.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page