top of page
Pokwang.jpg

Taas-presyo sa mga pagkain, dagdag-pahirap ngayong pandemya

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 26, 2021
1 min read

@Editorial | January 26, 2021



Nagsimula na ang kaliwa’t kanang panawagan sa mga ahensiya ng gobyerno na gumawa ng mga solusyon upang mapigilan ang pagtaas ng presyo ng mga pagkain tulad ng karne, isda at gulay.


Kailangan nang magkaroon ng malinaw na panuntunan at istriktong pagpapatupad ng tamang presyo lalo na ngayong panahon ng pandemya na lahat ay hindi pa tuluyang nakakabawi.


May iba na halos ayaw nang mamalengke dahil sa nakakaiyak na presyo ng mga bilihin. ‘Yung dating budget na pang-isang linggo, ngayon halos para na lang sa isang araw.


Masuwerte kung may bina-budget pa, eh, paano ‘yung iba na wala na talagang pambili ng pagkain at umaasa sa lista, kaya ang suweldo, pambayad-utang lang — walang tira, walang ipon.


Tapos sasabayan pa nitong taas-presyo ng mga pagkain, mas lalong lulubog ang taumbayan.


Bukod sa pagbili ng bakuna kontra COVID-19, tutukan din natin ang usapin sa presyo at kagutuman. ‘Ika nga, aanhin pa ang sangkaterbang bakuna kung patay na sa gutom ang mga tuturukan?


Kaya pabor tayo sa panawagang magpalabas na ang gobyerno ng kautusan para magkaroon ng price ceiling sa halaga ng mga pagkain sa mga pamilihan.


Pakiusap naman sa mga negosyante, dagdagan din ang ating pang-unawa lalo na para sa ating mga kababayan na talagang mas hirap ngayong pandemya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page