top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Taas-presyo ng mga bilihin sa new normal, paghandaan

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 27, 2022
1 min read

@Editorial | February 27, 2022



Kasabay ng pagpasok sa 'new normal' ay patuloy naman ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.


Partikular na ang inaasahang lalo pang pagsirit ng presyo ng mga produktong petrolyo sa mga susunod na linggo dahil umano sa pag-atake ng Russia sa Ukraine.


Ayon sa mga analyst, posibleng tumaas ang presyo ng gasolina na mula sa kasalukuyang average na P68 kada litro ay aabot ng hanggang P77.


Habang ang diesel na nasa P59/liter, maaaring sumipa nang hanggang P73.


Tiniyak ng pamahalaan na handa itong magbigay-ayuda sa apektadong sektor tulad ng mga tsuper, magsasaka at mangingisda.


Ang Department of Transportation, mayroon umanong nakahandang P2.5 bilyon Fuel Subsidy Program para sa mga apektadong sektor, ayon sa Development Budget Coordination Committee (DBCC).


Gayunman, tulad ng palagi nating sinasabi, pangmatagalang solusyon ang kailangan para makasabay sa mga ganitong sitwasyon.


Malaking tulong ang cash assistance pero, mas mainam pa rin sana kung alternatibong hanapbuhay o mapagkakakitaan ang maibibigay sa mga direkta o higit na naaapektuhan ng mga pagtaas ng presyo ng bilihin.


Maraming programa at proyekto ang gobyerno na kung matututukan lang sana ay tiyak na mas mapapalawak at mapagyayaman pa.


Likas naman na sa ating mga Pinoy ang pagiging masipag, matiyaga at malikhain, oportunidad lang talaga ang wala.


Sana sa pagpasok natin sa 'new normal', mas marami nang pagkakataon ang magbukas.


Simula na ng pagbawi mula sa pandemya. Kailangang magtodo-kayod para makasabay sa pagtaas ng mga bilihin at serbisyo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page