Taas-multa sa pasaway sa batas-trapiko, epektib nga ba?
- BULGAR
- Nov 12, 2024
- 1 min read
by Info @Editorial | Nov. 12, 2024

Isang opisyal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang nagpahayag na ang mataas na multa ang makapipigil sa mga motorista na lumabag sa mga batas-trapiko.
Binanggit din ang pagtaas ng multa laban sa mga motorista na ilegal na gumagamit ng EDSA Bus Carousel lane.
Sinasabing kakaunti lamang daw ang nahuli ng ahensya mula nang itaas ang multa sa P5,000 – P30,000 at posibleng pagkansela ng kanilang driver’s license.
Matatandaang ang pagtaas ng multa ay inaprubahan ng Metro Manila Council noong nakaraang taon.
Ipinunto na ang pagtaas ng parusa ay isang mabisang hakbang para mapigilan ang mas maraming lumalabag sa trapiko, gaya ng ipinatutupad sa ibang bansa.
Pero kung lahat ng motorista ay disiplinado, tiyak na mababawasan ang trapik at maiiwasan pa ang dagdag-gastos.
Kaya pakiusap sa lahat ng drayber, maging responsable at isipin hindi lang ang sarili kundi maging ang kapwa.
Ang paglabag sa batas-trapiko ay maaari ring mauwi sa aksidente kaya, huwag matigas ulo!
Comments