top of page
RUN WILD - BARBIE, NAPABILIB SI ALDEN SA PAGIGING WILD-IG _barbaraforteza.jpg

Palpak at abusado, walang 'K' sa 5-year barangay, SK terms

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 1 min read

by Info @Editorial | September 4, 2026



Editoryal, Editorial


Hindi dapat basta palakpakan ang panukalang gawing limang taon ang fixed term ng mga opisyal ng barangay at miyembro ng Sangguniang Kabataan (SK). 


Totoong nakasasagabal sa pagpapatuloy ng mga programa ang madalas na halalan, pero hindi sapat na dahilan iyon para pahabain nang pahabain ang pananatili ng mga opisyal sa puwesto. Ang mandato ay ipinagkakatiwala ng mamamayan, hindi pribilehiyong dapat awtomatikong patagalin.


Sa barangay nagsisimula ang pinakabatayang serbisyo ng gobyerno. Kapag mahusay ang kapitan at mga kagawad, maaaring makatulong ang mas mahabang termino upang matapos ang mga proyekto at programa. Pero kapag palpak, abusado o inutil ang nakaupo, limang taon ding maghihintay ang mamamayan bago sila magkaroon ng pagkakataong magpalit ng lider. Ang continuity sa pamamahala ay mahalaga, pero mas mahalaga ang accountability.


Ganito rin sa Sangguniang Kabataan. Ang SK ay nilikha upang maging tunay na boses at training ground ng kabataan sa pamamahala, hindi para maging maagang pasukan sa permanenteng pulitika. 


Kung limang taon ang termino, kailangang tiyaking may matibay na mekanismo laban sa kapabayaan, korupsiyon at political dynasties. Hindi puwedeng pahabain ang kapangyarihan nang hindi kasabay na pinatitibay ang pananagutan.


Kung limang taon ang gustong ibigay sa barangay at SK officials, dapat limang taon din silang mahigpit na singilin sa resulta. 


Ang tunay na sukatan ay hindi kung gaano katagal nananatili ang isang opisyal sa puwesto, kundi kung gaano karaming problema ang nalutas niya habang naroon. 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page