System loss, hindi dapat dagdag-bayarin ng konsyumer, tanggal VAT wala lang!
- BULGAR

- 1 hour ago
- 1 min read
by Info @Editorial | September 5, 2026

Sa bansang halos buwan-buwan ay problema ang mataas na singil sa kuryente, bawat pisong mababawas sa bayarin ay malaking bagay. Kaya tama lamang ang panukalang alisin ang VAT sa system loss—kuryenteng hindi naman direktang napapakinabangan ng ordinaryong konsyumer.
Matagal nang pasan ng publiko ang samu’t saring singil sa electric bill. Mas masakit, pati ang system loss ay may buwis pang ipinapatong. Kung may paraan para bawasan ang pasanin, bakit hindi ginawa noon pa?
Pero huwag tayong magdiwang agad. Ang tunay na sukatan ng panukalang ito ay hindi ang ganda ng pangako kundi ang aktuwal na bawas sa buwanang bill. Kapag naipasa, dapat tiyaking bawat sentimong matitipid ay diretso sa konsyumer—walang palusot, walang bagong singil na ipapalit.
Sa mahal ng kuryente, hindi pabor ang bawas-singil. Karapatan ito ng konsyumer.



Comments