top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Suwerteng motif, petsa at araw para sa mag-dyowang Gemini-Libra

BULGAR
Mar 27, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| March 27, 2022


Dear Maestro,


Nagbabalak na kaming magpakasal ng aking boyfriend sa 2023. Mapalad ba sa amin ang taong ito at anong buwan, petsa at araw naman kami dapat magpakasal? Nais ko ring malaman kung ano’ng motif ng damit ang mapalad sa aming mag-asawa upang lalo pang umunlad at maging maligaya ang aming itatayong pamilya?


Alam kong compatible kami ng magiging mister ko dahil sa kakabasa ng sa inyong mga artikulo. Ang hindi ko lang alam ay ang mapalad naming buwan at taon kung kailan kami dapat magpakasal. June 3, 1995 ang birthday ko at October 18, 1992 naman ang boyfriend ko.


Umaasa,

Isabel ng San Nicolas, Alcala, Pangasinan


Dear Isabel,


Ayon sa Decadens ng Kapalaran, ang pinakamapalad n’yong buwan sa taong 2023 ay mula sa buwan ng Mayo, Hunyo, Hulyo at Agosto, habang sa taon namang 2024, Enero at Pebrero ang mapalad n’yong buwan.


Samantala, bukod sa buwan ng Mayo, Hunyo, Hulyo at Agosto sa taong 2023, mapalad din kayong magpakasal sa mga petsang tinatawag nating “series of 3-6-9” dahil ang birth date mong 12 at 18 naman ang mapapangasawa mo ay under ng numerong “series of 3-6-9”, tulad ng 3, 12, 21, 30, 6, 15, 24, 9, 18 at 27, higit lalo kung ang nasabing mga petsa ay natapat sa mga araw ng Martes, Huwebes at Biyernes.


Bukod sa mga petsa o numerong series of 3-6-9, puwede ring piliin ang mga petsang 1, 10, 19, 28, 7, 16, at 25, higit lalo kung ang mga ito ay natapat sa mga araw ng Linggo at Sabado.


Ang zodiac sign mo namang Gemini at Libra ang mapapangasawa mo ay nagsasabing, bukod sa kulay na metallic blue, puwede rin ang pure white, pagkatapos ay pangburloloy na lang ang mga guhit na silver at kaunting red o mapalad din kayo sa kulay na red bilang motif ng inyong kasal.


Upang masigurado ang maunlad at mabiyayang pagsasama, mas mainam ding itapat ang araw o petsa ng inyong kasal, sa panahong nasa first quarter, full moon o new moon ang buwan sa langit, upang tulad ng papalaki at papabulas na liwanag ng buwan, magkaroon din ng patuloy na paglaki at paglago ang inyong kabuhayan at pagmamahalan habambuhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page