top of page
Search
  • BULGAR

Suwerteng kulay kung gagamitin ang birth date na 5

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| May 15, 2022


Dear Maestro,


Naisipan kong sumangguni sa inyo dahil kailangan ko ang gabay n’yo hinggil sa ang aking masuwerteng araw at petsa. Dalawa kasi ang ginagamit kong birthday, September 4, 1983 at December 14, 1986, alin sa dalawang ito ang dapat kong gamitin para suwertehin ako?


Umaasa,

Kate ng San Bartolome, Santo Tomas, Pampanga

Dear Kate,


Kung September 4, 1983 ang gagamitin mong birthday, lumalabas na ikaw ay Virgo na may birth date na 4 at may destiny number na 7. Naging siete (7) ang destiny number mo dahil ang September 4, 1983 ay 9+4+1983=1996/ 19+96=115/ 11+5=16/ 1+6=7.


Samantala, kung December 14, 1986 naman ang gagamitin mong birthday, lumalabas na ikaw ay may zodiac sign na Sagittarius sa birth date na 5 (dahil ang 14 ay 1+4=5), sa destiny number na nagkataong 5 rin. Naging 5 ang destiny number mo, dahil ang December 14, 1986 ay 12+14+1986=2012/ 20+12=32/ 3+2=5.


Kaya kung sinasabi mong dalawa ang birth date mo at tinatanong mo kung alin sa dalawang ito ang magandang gamitin, ayon sa kompyutasyon, ang birthday na December 14, 1986 ang gamitin mo dahil bukod sa ikaw ay may birth date na 5, ikaw din ay may destiny number na 5. Ibig sabihin, kapag ginagamit mo na ang nasabing birthday, mas madali mo nang mahihigop at maaakit ang magandang kapalarang may kaugnayan sa salapi at materyal na bagay.


Sa sandaling ginamit mo na ang birthday na December 14, 1986, magiging mapalad ka sa kulay na pula, violet at asul, gayundin sa puti at silver. Bukod sa nasabing mga kulay, dapat ka ring magsuot ng silver na alahas na may mataas na kalidad. Kapag nagsuot o gumamit ka ng silver na kuwintas, singsing, bracelet at hikaw, mas madali mo nang masasagap ang suwerte at magagandang kapalaran.


Mapalad ka naman mula sa ika-21 ng Marso hanggang ika-27 ng Abril, mula sa ika-21 ng Hulyo hanggang ika-27 ng Agosto, gayundin mula sa ika-21 ng Nobyembre hanggang ika-27 ng Disyembre, higit lalo sa mga araw ng Martes, Miyerkules, Huwebes at Biyernes.


Dagdag pa rito, sa sandaling ginamit mo na ang birthday na December 14, 1986 at palagi kang nagmamadali sa iyong pagkilos at pagpapasya, tiyak ang magaganap, uunlad at yayaman ka sa mga sumusunod na paraan: Una, maaaring makapag-asawa ka ng mayaman; Pangalawa, mAaaring walang habas o walang tigil kang makapag-abroad; At pangatlo, maaari kang yumaman dahil ikaw ay likas na magiging masuwerte sa pangangalakal at pagnenegosyo.


Ayon sa Decadens ng Kapalaran, ang nasabing pagyaman at pag-unlad na inilahad ay tinatayang magaganap sa taong 2027 hanggang 2028 at sa edad mong 41 pataas.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page