Suwerteng kulay, araw at taon ng bebot na taong uno
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| June 8, 2022
Dear Maestro,
Naisipan kong sumangguni sa inyo dahil gusto kong malaman ang aking kapalaran. Isinilang ako noong January 10, 1998. Nais ko ring malaman ang aking suwerteng kulay, araw, buwan at taon. Gayundin, wala pa akong boyfriend, pero may mga manliligaw ako. Sinu-sino ang mga ka-compatible ko at dapat kong makasama sa buhay upang magkaroon ako ng maunlad at maligayang pamilya?
Umaasa,
Yarra ng Rizal, Natividad, Pangasinan
Dear Yarra,
Ayon sa birth date mong 10 o 1 (ang 10 ay 1+0=1), sa zodiac sign na Capricorn at destiny number na 2 (dahil 1+10+1998=2009/20+09=29/ 2+9=11/ 1+1=2), ka-compatible mo silang may mga birth date na 7, 16, 25, 4, 13, 22, 31, 8, 17, 26, 2, 11, 20 at 29, higit lalo kung sila ay isinilang sa mga zodiac sign na Virgo, Taurus, Cancer at kapwa mo Capricorn. Kung sinuman sa mga manliligaw mo ang may ganyang zodiac sign at birth date, siya ang sagutin mo upang makasiguro ka ng maunlad at maligayang pagpapamilya habambuhay.
Mapalad ka naman sa kulay na dilaw, ayon sa birth date mong 1 at berde ang secondary color mo kung ang destiny number mong 2 ang pagbabatayan.
Tandaan din namang dahil ang numerong 1 ay under sa planetang Sun, habang ang numerong 2 ay under sa planetang Moon at zodiac sign na Capricorn ay under sa planetang Saturn. Ibig sabihin, mapalad ka tuwing sasapit ang mga araw ng Linggo, Lunes at Sabado, higit lalo sa mga petsang 1, 10, 19, 28, 4, 13, 22, 31, 7, 16, 25, 2, 11, 20, at 29, gayundin sa mga petsang 8, 17 at 26.
Kusa namang iigting ang mabuting kapalaran mula sa ika-19 ng Abril hanggang ika-25 ng Mayo, mula sa ika-19 ng Agosto hanggang sa ika-25 ng Setyembre at mula sa ika-19 ng Disyembre hanggang sa ika-25 ng Enero.
Hinggil naman sa iyong lagda, okey na ang simula at gitnang bahagi, medyo pumangit lang sa bandang dulo dahil dumausdos ang pinakapaa ng letrang “n”. Sa halip na tapusin pababa ang nasabing paa ng letrang “n”, tapusin ito sa pamamagitan ng straight line o guhit na pasibat sa paitaas na direksyong kanan. Sa ganyang lagda, lalo pang gaganda, lalago at magiging maligaya ang iyong kapalaran.
Ayon sa Decadens ng Kapalaran, significant at favorable years mo naman ang taong 2023, 2024, at 2025, sa nabanggit na panahon, kusa ka nang magkaka-boyfriend at lalo pang gaganda ang iyong career hanggang sa tuloy-tuloy mo ring makakamit ang matagumpay at maligayang karanasan habambuhay.




Comments