Suwerteng kulay, araw at numero sa dating OFW na gustong tumama sa lotto
- BULGAR

- Jan 30, 2021
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| January 30, 2021
Dear Maestro,
Nais kong humingi sa inyo ng suwerteng numero. May sakit kasi ako ngayon at kailangan kong magpa-dialysis. Ang problema, wala naman kaming sapat na pera para matustusan ang aking pagda-dialysis. Nag-aaral pa ang apat naming anak habang ang misis ko ay ahente ng lupa at kung anu-anong paninda, pero bihira siyang makabenta at minsan ay paluwal pa.
Nakuha ko ang sakit na ito nang sa halos siyam na taon kong pagtatrabaho sa Saudi, pero nalustay din ng misis ko ang naipon ko kaya nagkaganito ang buhay namin.
Sana ay matulungan n’yo akong malaman ang suwerte kong numero, araw, petsa at kung kailan dapat tumaya, at anong buwan at taon ang masuwerte para sa akin? February 13, 1967 ang birthday ko.
Umaasa,
Mr. Aquarius ng Tulay Silangan, Maragondon, Cavite
Dear Mr. Aquarius,
‘Yan ang hirap sa buhay ng isang OFW. Madalas, ang nangyayari ay kikita nga sila ng medyo malaki-laking halaga sa umpisa ng pangingibang-bansa, pero sa sandali namang nagkasakit ka, halos kulang pa ang kinita mo sa abroad sa ipampapagamot mo sa iyong sarili, higit lalo kung noong nasa ibang bansa ka ay hindi ka naman natutong mag-ipon o magpundar para sa kinabukasan. At pagkatapos, ang nangyari pa, ‘yung mga mahal mo sa buhay ng pinapadalhan mo rito sa ating bansa ay nagbuhay-mayaman, gastos dito, gastos doon, na akala mong hindi nauubos ang pera.
Kaya malinaw ang gintong aral na dapat nating tandaan: “Habang ikaw ay sagana at kumikita ng malaking halaga ng salapi sa kasalukuyan, ‘wag mo itong uubusin sa mga walang kapararakang bagay kung saan gasta ka lang nang gasta sa mga hindi mahalagang binibili mo dahil walang nakakaalam kung kailan ka dadapuan ng magastos at malubhang karamdaman.”
Samantala, bukod sa sarili mong numero na 4 (ang 13 at 1+3=4), ikaw din ay mapalad sa lahat ng uri ng numero na may sumatotal na 7, 2 at 9, tulad ng 16, 25, 34, 43, 11, 20, 29, 38, 18, 27, 36, 45 at iba pang kauri nito. Puwede mo ring subukan ang 1, 13, 23, 27, 35 at 40, gayundin ang 6, 17, 25, 32, 39 at 43.
Mapalad ka naman sa araw ng Lunes, Linggo, Martes, Huwebes at Biyernes, higit lalo sa petsang 2, 11, 20, 29, 9, 18, 27, 1, 10, 19, 28, 7, 16 at 25, higit lalo tuwing sasapit ang buwan ng Pebrero hanggang Marso, Hunyo hanggang Hulyo at Oktubre hanggang Nobyembre.
Buwenas ka rin sa kulay na berde at pula, habang magsisilbing anting-anting mo naman bilang pantaboy ng kamalasan at panghigop ng suwerte at magandang kapalaran ang batong agate o moonstone, higit lalo sa panahong nasa full moon o kabilugan ang buwan sa langit.
Habang, ang ayon sa Decadens ng Kapalaran, ang pinakamasuwerte mo namang taon ay ang kasalukuyang taong 2021, 2027 at 2029.
Upang masigurado ang malaking panalo sa anumang uri ng number games, maghanap ka ng lotto outlet na malapit sa tindahan ng mineral water o kahit na anong produktong likido at iba pang lotto outlet na malapit sa tubigan. Ang nasabing outlet ang magpapatama sa iyo ng malaking halaga ngayong 2021 o sa susunod na taong 2022 sa edad mong 54 pataas.




Comments