top of page

Susundin ang puso at hindi ang isip, pahiwatig ng panaginip na walang ulo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 22, 2020
  • 1 min read

ni Seigusmundo Del Mundo - @Panaginip, salamin ng inyong buhay | October 22, 2020



Salaminin natin ang panaginip ni Mhelo Dy na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor,


Gusto kong malaman ang ibig sabihin ng panaginip ko. Napanaginipan ko ‘yung kapamilya ko na wala siyang ulo. Bad omen ba ‘yun? Sana ay masagot n’yo ako. Salamat!


Naghihintay,

Mhelo Dy


Sa iyo, Mhelo Dy,


Oo, iha, bad omen ang walang ulo sa panaginip dahil tayong mga Pinoy ay mapamahiin, pero ang pagiging mapamahiin natin ay hindi naman likas sa ating kultura. Tinuruan lang naman tayo ng mga Kastila na mabuhay sa negatibong kaisipan nang sa gayun ay sila ang magpakasaya sa likas na yaman ng ating bansa.


Huwag kang matakot, malayo na ang bagong mundo sa mundo ng mga pamahiin na ating lumang sibilisasyon. Kaya iba na rin ang mga pananaw sa buhay at mas tama at maganda na dahil ang “bagong ngayon” ay dahilan kaya ang mundo ay maunlad at papaunlad pa na nagiging ultra modern na.


Nagsimula ang “bagong ngayon” nang magkaroon ng siyensya o science. Dumami rin ang sangay ng agham at isa na rito ang sangay ng sikolohiya.


Dahil dito, gusto kong ipaabot sa iyo na ayon sa mga makabagong teorya sa sikolohiya, ang panaginip na walang ulo ang isang tao ay simple lang ang kahulugan. Ito ay nagsasabing susundin niya ang kanyang puso at hindi ang isip.


Halimbawa, sa love life, puso ang kanyang pakikinggan at ang isipan niya ay mababalewala kahit ang mga katwiran ng isip ay tuwid at nasa tama.


Ang ganitong katotohanan ay makikita natin sa bagong kasabihan na, “Heart has reasons that the mind does not know.”

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page