Non-stop na naman ang pagpasok ng bagyo at inaasahang apektado na naman ang sistema ng edukasyon. Ang pagsuspinde ng klase sa gitna ng masamang panahon ay isang hakbang na nagsisilbing pangunahing sandigan ng kaligtasan sa harap ng mga mapaminsalang kalamidad.
Ang desisyong ito ay hindi lamang nakabatay sa praktikal na konsiderasyon kundi sa mas malalim na pag-unawa sa responsibilidad ng mga institusyon sa pagtanggap ng mga hakbang para sa kapakanan ng bawat isa.Bagama’t may mga pagkakataon na tila nakakalito ang pagsasagawa ng suspensyon.
Hindi pa rin nawawala ang eksena na kung kailan nakaalis na ng bahay ang estudyante at nabasa na sa ulan, saka magsususpinde ng pasok.Kaugnay nito, naniniwala ang mga otoridad na kumplikado talaga ang kasalukuyang sistema ng pag-aanunsyo ng suspensyon ng klase partikular sa National Capital Region (NCR) dahil kinakailangan pang ibase ang desisyon ng lokal na pamahalaan sa magiging forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) at lagay ng panahon sa nasasakupan.
Masasabing ang desisyong ito ay hindi lamang nakabatay sa praktikal na konsiderasyon kundi sa mas malalim na pag-unawa sa responsibilidad ng mga institusyon sa pagtanggap ng mga hakbang para sa kapakanan ng bawat isa. Bukod sa mga mayor, inaasahan din ang mga eskwelahan na hindi lang kinikilala ang tungkulin sa pagbibigay ng edukasyon kundi, higit sa lahat, magbibigay ng proteksyon sa kanilang mga estudyante.
Ang magulang ay may malaking papel din, at ang kanilang pangunahing tungkulin ay ang pagtiyak sa kaligtasan ng anak. Kung mapapahamak sa sama ng panahon, huwag nang papasukin.Isa pang aspeto ng pagsuspinde ng klase na madalas na hindi nabibigyan ng sapat na pansin ay ang epekto nito sa mental at emosyonal na kalusugan ng mga mag-aaral.
Ang pagkakaroon ng kalamidad at panganib sa kanilang paligid ay maaaring magdulot ng stress at takot sa mga bata. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng oras upang makapagpahinga at mag-adjust, naiiwasan ang dagdag na pag-aalala na dulot ng pagpunta sa paaralan sa kabila ng masamang panahon.
Sa kabuuan, ang pagsuspinde ng klase sa panahon ng bagyo ay isang mahalagang hakbang na nagpapakita ng malasakit at pangako sa kaligtasan at kapakanan ng mga mag-aaral at ng komunidad.
Sa kabila ng mga posibleng abala, ang pangunahing layunin nito ay ang pagtiyak na ang bawat isa ay ligtas at maayos sa harap ng mga natural na sakuna.
Ang pagkilala at pag-unawa sa kahalagahan ng hakbang na ito ay isang paalala ng ating responsibilidad sa bawat isa sa panahon ng krisis.
Comments