top of page
BIDA - JANELLA KAY KLEA I LOVE YOU SO MUCH, MY BABY, MY LOVE, MY SWEET BABY BOO!-IG _kleap

Mga pasaway na opisyal, tablan na sana ngayong Semana Santa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 31
  • 1 min read

by Info @Editorial | March 30, 2026



Editoryal, Editorial


Sa panahon ng Semana Santa, malinaw ang mensahe: magsisi, magbago, at magpakumbaba. Pero kung titingnan ang kilos ng ilang opisyal sa Pilipinas, parang walang epekto ang diwang ito.


Habang ang ordinaryong mamamayan ay nagtitiis at nagsasakripisyo, may mga nasa gobyerno na patuloy sa korupsiyon, pagpapayaman, at pang-aabuso sa kapangyarihan.


Hindi na ito bagong isyu—pero paulit-ulit pa rin. Nakakapagod na.

Diretsahan na: kung hindi kayang magsilbi nang tapat, umalis sa puwesto. Ang gobyerno ay hindi negosyo, at ang posisyon ay hindi para sa sariling interes. Panahon na para tumigil ang mga palusot at magsimula ang tunay na pananagutan.


Ngayong Semana Santa, hindi sapat ang pagdarasal at pagpapakita ng relihiyon sa publiko. Kung walang pagbabago sa gawa, walang saysay ang lahat ng iyon.



At para sa mamamayan: huwag na tayong magbulag-bulagan. Kung patuloy tayong pipili ng maling lider, bahagi tayo ng problema.


Maikli lang ang mensahe: magbago, ngayon na.

price cap ay reaksyon lamang—hindi solusyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page