top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Survey ng SWS, minsan totoo, minsan fake news

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 15, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | October 15, 2023


EX-P-DUTERTE WALA NANG IMMUNITY SA KASO, KAYA KAPAG KINASUHAN SIYA NI CONG. CASTRO, MALAMANG MAKASAMA NIYA SA KULUNGAN SI DE LIMA -- Pinagbantaan ni ex-P-Duterte na papatayin umano niya si ACT Teacher Partylist Rep. France Castro, ang isa sa mga kongresistang bumatikos nang husto sa hinihinging P650 million confidential fund ni Vice President, Dept. of Education (DepEd) Sec. Sara Duterte-Carpio, at dahil sa banta na iyan ay pinaghahandaan na raw ngayon ng congresswoman ang pagsasampa ng kaso laban sa ex-president.


Naku, tiyak matutuluyan si ex-P-Duterte sa kasong isasampa sa kanya ni Cong. Castro, kasi nga dahil hindi na siya presidente, private citizen na lang, wala na siyang immunity sa kaso na ibig sabihin kapag naging guilty, malamang makasama niya sa kulungan ang numero unong kritiko niya na si former Sen. Leila De Lima, boom!


◘◘◘


SIYEMPRE APRUB AGAD ANG P10.7 B BUDGET NI P-BBM, KASI KAPAG PINAGTAGAL PA BAKA TANGGALAN NIYA NG PORK BARREL PROJECTS ANG MGA SENADOR -- Mabilis na inaprub ng mga majority senators ang P10.7 billion budget ni Pres. Bongbong Marcos, kasama na r’yan ‘yung P4.5 billion confidential and intelligence funds (CIFs) ng Presidente.


Siyempre naman, iaaprub talaga ‘yan ng majority senators, kasi kung tatagalan pa nila, baka mabuwisit sa kanila ang Presidente at patanggalan sila ng “pork barrel projects”, period!

◘◘◘


KAPAG NAGKAROON NG OIL PRICE HIKE DAHIL SA GIYERA NG ISRAEL AT PALESTINE-HAMAS, DAPAT MAG-RESIGN AGAD SI OIL MANAGEMENT BUREAU DIRECTOR ABAD -- Ayon kay Director Rino Abad, head ng Oil Management Bureau ng Dept. of Energy (DOE) ay wala raw epekto sa presyo ng langis sa bansa ang giyerang nagaganap sa pagitan ng Israeli forces at Palestine-Hamas Islamist Group, na ang ibig niyang sabihin, hindi raw tataas ang presyo ng mga produktong petrolyo sa ‘Pinas.


Kaya sakaling biglang magkaroon ng oil price hike at ang epekto ay sabihin ng mga oil companies na dahil sa giyera ng Israeli forces at Palestine-Hamas Islamist Group, ang dapat gawin ni Director Abad ay mag-resign siya sa puwesto, kasi nangpi-fake news siya, boom!

◘◘◘


SURVEY NG SWS NA GUMANDA ANG KALIDAD NG PAMUMUHAY NG 33% PINOY, MAITUTURING NA FAKE NEWS -- Sa isinagawang survey ng SWS, lumabas na 33% ng mga Pinoy ay nagsabi na last year daw ay gumanda ang kalidad ng kanilang pamumuhay sa ‘Pinas.


Ganu’n? Aba’y last year pa nagsisipagreklamo ang mga mamamayan sa taas ng presyo ng mga bilihin at bayarin, tapos sa survey ng SWS, marami raw ang gumanda ang kalidad ng pamumuhay.


Hay naku, ‘to talagang SWS, minsan totoo ang survey nila, minsan fake news, buset!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page