Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol
- BULGAR

- Sep 21, 2020
- 1 min read
ni Ronalyn Seminiano Reonico | September 21, 2020

Niyanig ng magnitude 6.1 earthquake ang Surigao del Sur nitong Lunes, alas-6:13 ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Sa 09.27°N, 126.80°E - 066 km N 60° E ng Bayabas ang epicenter ng naturang lindol at ang tectonic quake ay may depth na 77 km.
Naramdaman naman ang instrumental intensity I sa Surigao City at Gingoog City.
Ayon sa PHILVOCS ay wala pang damages na naitatala ngunit inaasahan ang aftershocks.
Samantala, matapos nito ay muling niyanig ng magnitude 5.3 ang Bayabas nitong alas-6:21 ng umaga at alas-12:28 ng tanghali ay tumama ang aftershock na magnitude 4 sa naturang lugar.





Comments