top of page
Search
  • BULGAR

Suplay ng baboy sa Luzon, bumaba dahil sa ASF

ni Thea Janica Teh | July 10, 2020




Bumaba ng halos 40% ang supply ng baboy sa Luzon dahil sa African Swine Flu (ASF).


Ayon kay Rosendo So, Chairman ng Samahan ng Industriyang Agrikultura, namatay ang halos 350 paanakang baboy sa Luzon. Ito ay equivalent sa 380,000 baboy kada buwan.

Sa average na 65 kg per head, 24.7 milyong kilo ang nawala sa Luzon.


Sinabi rin ni So na mas bababa pa ang supply ng baboy sa Luzon pagtungtong ng Agosto dahil maraming mambabababoy ang hihinto na sa pag-alaga ng baboy dahil sa ASF. Maaaring makakuha ng supply sa Mindanao ngunit, hindi regular ang araw ng dating sa Luzon.


Bukod pa rito, sinabi rin ni So na ang Vsayas at Mindanao lamang ang pinakamalapit na mapagkukuhanan ng baboy at gusto ng maraming konsyumer ng fresh na karne ng baboy.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page