top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Super-sweet ng bf, pahiwatig na sobrang labs ni guy

BULGAR
Jun 19, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | June 18, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lotlot ng Zambales.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na namasyal kami ng barkada ko kasama ang aming mga dyowa.

Panay ang halik sa akin ng dyowa ko at ramdam ko ang sweetness na ipinapakita niya. Tapos pumunta ako sa CR, pero pagbalik ko ay nakita kong hinalikan siya ng isa sa barkada ko, pero hindi ko ‘yun pinansin. Sa halip, hinalikan ko naman ang dyowa ng barkada ko para gumanti sa kanya.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Lotlot


Sa iyo, Lotlot,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na hinalikan ka ng dyowa mo at sweet na sweet siya sa iyo ay mahal na mahal ka niya. Totoo ang pag-ibig niya sa iyo at walang halong pagkukunwari. Samantala, ang ibig sabihin ng nakita mo ang barkada mo na hinalikan ang dyowa mo ay magiging magkaribal kayo, hindi lamang sa pag-ibig kundi sa ibang bagay din.


Ang kahulugan ng ikaw naman ang humalik sa dyowa niya bilang ganti ay wala kang tiwala sa barkada mo. Para sa iyo, kaplastikan lamang ang ipinapakita niya at hindi siya totoong kaibigan. Gayundin, lihim mo siyang kaaway. Pakunwari lamang pareho ang pagtitinginan n’yo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page