Super-hirap sa buhay at walang matakbuhan, kahulugan ng magandang hardin sa panaginip
- BULGAR

- Jul 27, 2020
- 1 min read
ni Seigusmundo Del Mundo - @Panaginip, salamin ng inyong buhay | July 27, 2020
Salaminin natin ang panaginip ni Ms. Kopiko na ipinadala sa Facebook Messenger.
Dear Professor,
Nasa magandang hardin ako at magaganda ang mga bulaklak, tapos may mga butterfly din. May nakita rin akong fountain pero hindi gawa ng tao, nandu’n lang siya, may umaagos at malinaw na tubig.
Magsha-shower sana ako, kaya lang, naisip ko na wala naman ako sa bahay namin. As in, bakit ako magsha-shower du’n, eh, hindi ko naman alam ‘yung lugar na ‘yun?
Naglakad-lakad ako at nakita ko na napakaganda pala talaga ng hardin na naputahan ko. Parang hindi ako napapagod sa kalalakad. Ano ang ibig sabihin nito?
Naghihintay,
Ms. Kopiko
Sa iyo Ms. Kopiko,
Huwag kang mabibigla sa kahulugan ng iyong panaginip dahil ito ay nagsasabing ang buhay mo sa kasalukuyan ay kabaligtaran ng magandang hardin na iyong napuntahan.
Kaya sa reyalidad, ikaw ay hirap na hirap sa iyong kalagayan. Feeling mo, hindi maganda ang dating sa iyo ng mga tao. Gayundin, ramdam mong nag-iisa ka at walang nakakaintindi sa iyo. Maaaring may mga ilang kaibigan ka, pero sila rin ay nabubuhay sa paniniwala na “tayo ay kani-kanya”. Kumbaga, hindi mo naman sila talaga puwedeng asahan at abala sila sa kanilang personal na buhay.
Pero ‘wag kang mag-alala dahil ang iyong panaginip ay nagbibigay ng mensahe na “kapit lang” at sa huli ay liligaya ka rin kung saan matutupad ang mga pangarap mo sa buhay.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo






Comments