top of page

Sunod-sunod na kamalasan, kabaligtaran ang kahulugan

  • BULGAR
  • Aug 23, 2022
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | August 23, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Garry ng Tarlac.


Dear Maestra,


Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan. Nais kong magpaanalisa ng aking panaginip.

Napanaginipan ko na sunod-sunod na kamalasan ang inabot ko. Bumagsak ang negosyo ko, at kasunod nito ay nabigo ako sa pag-ibig dahil binasted ako ng nililigawan ko. Napakasakit ng naramdaman ko at lungkot na lungkot ako.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Garry



Sa iyo, Garry,


Huwag kang mabahala sa panaginip mo dahil kabaligtaran ang ipinahihiwatig nito. Ang ibig sabihin ng na-bankrupt ka sa negosyo ay susuwertehin ka sa negosyo. Uunlad ang negosyo mo at yayaman ka na.


Samantala, ang ibig sabihin naman ng binasted ka ng nililigawan mo ay mahal na mahal ka niya at handa na siyang tanggapin ang pag-ibig mo. Gayundin, magiging maligaya kayo sa susunod na mga araw. Ang lungkot na lungkot ka dahil sa sunod-sunod na kamalasang inabot mo ay kabaligtaran din ang ibig sabihin dahil ito ay nangangahulugan na liligaya ka na sa susunod na mga araw. Matatapos na rin ang mga kalungkutang dinaranas mo sa kasalukuyan at malulutas na ang mga problema mo.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page