Sunod daw sa luho kay Vice, pero…ION, BUKING NA SIRA ANG SUOT NA BRIEF SA SHOW, PAHIYA
- BULGAR

- Aug 19, 2020
- 1 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 19, 2020

Tawang-tawa kami sa viral video ngayon ni Ion Perez sa It's Showtime kung saan nabuking na sira ang suot na underwear ng dyowa ni Vice Ganda.
Sa isang segment-contest kasi sa It's Showtime, sinabihan ni Vice si Ion na kailangan nitong ipakita ang suot na brief para malaman kung mas dark ba ang kulay nito kumpara sa suot ng isa pang contestant na si Ryan Bang.
Waring nagulat si Ion at nag-doubt na ipakita ang kanyang brief dahil sabi niya kay Vice, sira ang suot niyang underwear.
Nagtaka naman si Vice kung bakit sira ang brief ni Ion at paliwanag ng BF niya, favorite raw kasi niyang suotin ang naturang underwear at komportable siya rito kaya kesehodang sira, ayun, isinuot sa It's Showtime. Malay naman daw niyang kailangang ipakita sa camera. Hahahaha!
Komento tuloy ng ilang nakapanood ng video, akala pa naman daw nila ay spoiled at sunod sa luho si Ion kay Vice, bakit daw bagong brief lang ay hindi pa ito makabili?
Hahaha!
Pero in fairness kay Ion, nakakatuwa siya dahil sign lang 'yan na kahit nakaangat na siya nang slight sa buhay ngayon, nagagawa niya pa ring pahalagahan kahit 'yung mga sira nang bagay tulad ng kanyang brief.
Eh, baka naman kasi may sentimental value sa kanya 'yun, devah, Vice? Char!





Comments