top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Sumikat at sinuwerte lang daw, super-yabang na… MELAI, AYAW TULUNGAN ANG MGA KAMAG-ANAK NA WALANG

BULGAR
Apr 16, 2021
1 min read

PAMPAARAL, IPINAGMALAKI PA


Erlinida Rapadas - @Teka Nga! | April 16, 2021




Nagpakatotoo lang si Melai Cantiveros nang sabihin sa isang interview na ayaw niyang tumulong sa mga kamag-anak na humihingi sa kanya ng pambayad sa tuition fee sa eskuwela ng mga anak.


Hindi naman daw niya obligasyon na siya ang magpaaral ng ilang kamag-anak. Ang mga magulang daw dapat ang naghanda para sa pag-aaral ng kanilang mga anak.


Sey pa ni Melai, noon daw mga bata pa sila ay sinanay na silang magkakapatid na matutong maghanapbuhay at kumita ng pera. Kaya silang lahat na magkakapatid ay tumayong breadwinner ng pamilya at nagtatrabaho para maka-survive sa buhay.


Pero, maraming netizens ang hindi nagustuhan ang naging pahayag na ito ni Melai Cantiveros. Porke ba sinuwerte, sumikat at yumaman na siya ay ayaw na niyang tumulong sa ibang kamag-anak na mahihirap?


Para naman 'yun sa pag-aaral at hindi pambili ng luho sa katawan. Gusto lang din ng mahihirap niyang kamag-anak na makatapos sa pag-aaral upang makatulong na umangat ang buhay ng kanilang pamilya.


Sana lang daw, kung ayaw tumulong ni Melai sa mga kamag-anak ay hindi na niya ito ipinangalandakan pa sa kanyang mga interviews sa TV at social media. Hindi naging maganda ang dating nito sa publiko. Naging mapagmataas na raw ang comedienne-host.


Papaano kung isang araw ay bawiin lahat ng kapalaran ang kanyang suwerte? Bilog ang mundo. Baka ang mga taong kanyang pinagkaitan ng tulong para makapag-aral ay dapuan ng suwerte at higitan pa ang yaman niya.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page