top of page
Search
BULGAR

Sumampa na sa 2024 Olympics si Paalam

ni Gerard Arce @Sports | June 1, 2024



showbiz news
File photo: Carlo Paalam

Magpapaalam na sa second Olympic Qualifying Tournament si Tokyo Games silver medallist Carlo Paalam dahil magtutungo na ito sa 2024 Paris Olympics matapos masuntok ang isang silya matapos higitan si Sachin Siwach ng India sa bisa ng 5-0 unanimous decisio, Sabado ng gabi sa Hua Mak Indoor Stadium sa Bangkok, Thailand.


Naungusan ng two-time Southeast Asian Games champion ang 2019 South Asian Games at 2017 Commonwealth Youth Games titlist sa lahat ng limang hurado na bumanat ng husto pagdating sa ikatlong round upang sapat na mapaniwala ang mga ito tungo sa ikalawang sunod na suntok sa Summer Olympics.


Matagumpay na nakamit ni Paalam ang panalo sa quarterfinals laban kay Jose De Los Santos ng Dominican Republic sa iskor na 5-0 nitong nagdaang Biyernes upang lumapit sa tsansang makaka-usad sa Olympics, kung saan papasok lamang ang dalawang finalists, habang maglalaban ang dalawang talunan sa semifinals para sa huling pwesto.


Tangkang mahabol ang nalalabing tatlong pwesto para sa Paris Olympics sa men’s bantamweight upang masigurong makaka-usad sa Olympics, na naunang dinaig si Alexei Lagkazasvili ng Greece sa bisa ng 5-0 sa Round-of-64, habang nakabawi naman ito kay Shukur Ovezov ng Turkemnistan ng dominahin ang laban sa Round-of-32 sa 5-0 unanimous decision at natakasan 2018 Jakarta-Palembang Asian Games bronze medalists ang kanyang diskarte sa laban kay Arthur Bazeyan ng Armenia sa 4-1 split decision.


Makakasama ng 25-anyos mula Talakag, Bukidnon ang dalawang naunang Pinay boxers na sina Tokyo silver medalists Nesty Petecio sa women’s featherweight division at Aira Villegas sa women’s flyweight na nakakuha ng silya sa Paris Games, kasama si Olympic bronze medalist Eumir Felix Marcial sa men’s 80kgs ng umabante ito sa Finals ng 19th Asian Games sa Hangzhou, China.


Isang panalo na lamang ang kinakailangan ni Hergie Bacyadan sa women’s under-75kgs middleweight division matapos matakasan si Hungarian Veronica Nakota sa iskor na 3-2 split decision sa Round-of-16 para makatapat sa quarterfinals si Maryelis Yriza ng Venezuela. 

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page