ni Angela Fernando @News | Sep. 28, 2024
Iaapela ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang desisyon ng Korte Suprema na nag-aalis sa lalawigan ng Sulu mula sa pamamahala ng kanilang rehiyon.
Binigyang-diin ni Mohd Asnin Pendatun, tagapagsalita ng BARMM at Cabinet Secretary sa Saturday News Forum sa Quezon City na magpa-file sila ng "motion for leave to intervene with motion for partial reconsideration."
Matatandaang nu'ng unang bahagi ng Setyembre, pinagtibay ng Korte Suprema ang bisa ng Bangsamoro Organic Law, ngunit idineklara rin na ang Sulu ay hindi bahagi ng BARMM. Ipinaliwanag naman ng opisyal ng Bangsamoro government na maghahain ang BARMM ng motion for leave to intervene dahil hindi ito partido sa kaso.
Comentários