top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Strong number pero under ng mister, dapat mag-mature

BULGAR
May 22, 2022
3 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| May 22, 2022


Dear Maestro,


Bakit ako ang may strong number (17 o 8 ang birth date ko at 5 ang destiny number), pero ako ang mahina ang loob, lalo na sa pagharap sa mga tao, samantalang, ang mister ko ay malakas ang loob, pero weak number naman siya (may birth date na 2 sa destiny number na 7)?


Kung ganito ang mangyayari, uunlad at aasenso rin ba ang relasyon namin, na sa halip na ako ang magpaka-strong ay ako ang nagiging weak, habang ang mister ko namang weak ang siyang nagpapaka-strong? August 17, 1996 ang birthday ko at April 2, 1990 naman ang mister ko.


Umaasa,

Rose Marie ng San Esteban, San Antonio, Zamables


Dear Rose Marie,


Dahil sa edad mong 25 at 32 naman ang mister mo, masasabing hindi pa husto o ganap ang inyong edad sa tinatawag na maturity. Ibig sabihin, kahit ganyan ang edad n’yo, kulang pa kayo sa exposure at karanasan, kumbaga, kahit matagal na kayong kasal, “newlywed” o hindi pa hinog na hinog ang inyong relasyon o samahan.


Ngunit sa sandaling ganap na bumulas ang inyong samahan, sabihin nating nag-mature at naging stable na ang inyong relasyon, at kumbaga sa manok na panabong, kapwa na kayo nagka-tahid at puwede nang ipanlaban sa gradas, tiyak ang magaganap at maguglat ka pa, ikaw na ang masusunod, habang ang mister mo naman ay a-underin mo o madali mo na siyang maiimpluwensiyahan. Dahil sa panahong ‘yun, ganap nang iiral ang taglay n’yong mga numero.


Naalala ko tuloy noong bagong kasal kami ng misis ko, sunod lang siya nang sunod sa akin. Sa isip-isip ko, parang hindi ako nagkamali ng piniling mapangasawa dahil kapag sumusunod sa iyo ang isang tao, akala mo ay mabait siya. Kumbaga, walang problema dahil hindi siya palaangal at palakibo.


Pero nang lumagpas sa 10 taon ang aming relasyon at nagbinata at nagdalaga na ang aming mga anak, pansin kong parang ina-under na niya ako. Kapag may mahahalagang bagay na pagdedesisyunan, nangunguna pa siyang magpasya, habang ako naman ay tinatanong niya na lang kung tama ba ang naging hakbang niya.


Ganundin ang relasyon ng mag-asawa na weak at strong number. Kapag bagong kasal o hindi pa nakakalaya ang isang nilalang sa tunay niyang sarili, ‘ika nga, marami pa siyang “hang-up” at mga pag-alala o pinagtatakpan. Oo, marami pa siyang pagkukunwari at iniingatan, nakikisama pa siya sa asawa na ngayon lang niya nakakapa ang tunay na ugali, kaya maingat na maingat pa ‘yan at ayaw pang ilabas ang kanyang tunay na sarili, kaya hindi pa umiiral nang todo ang impluwensiya ng mga numero. Kumbaga, wala pang “sungay”, ngunit kapag nagkasungay na ‘yan, kumbaga sa usa o hayop sa gubat, matututo na siyang lumaban at magmatigas hanggang lumabas ang pagiging strong number o personality niya.


Kaya, Rose Marie, tulad ng nasabi na, kapag ganap nang narating n’yong mag-asawa ang maturity at naging stable na ang inyong samahan at nagkalabasan na kayo ng iba’t ibang baho at ugali, ‘ika nga ay kabisado n’yo na ang isa’t isa, tiyak na mababaligtad na ang kasalukuyan n’yong mundo— iiral na ang totoo n’yong numero, na ikaw ay strong number, habang weak number naman ang mister mo.


Sa panahong ‘yun, a-underin at pangingibabawan mo na siya sa lahat ng aspeto ng inyong buhay. Kasabay nito, magsisimula na rin kayong umunlad at yumaman, na inaasahan at tiyak namang magaganap sa taong 2029, sa edad mong 34 pataas, na siya rin namang nakatakda sa birth date mong 8 sa destiny number na 5.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page