top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Striegl, nagkasakit out na sa UFC debut

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 22, 2020
  • 2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | August 22, 2020



Pansamantalang hindi muna matutupad ang UFC-debut ni dating Universal Reality Combat Championships featherweight champion Mark “Mugen” Striegl matapos matanggal ito sa listahan ng pre-undercard match laban kay Russian Timur Valiev sa UFC Fight Night Sabado ng gabi (Linggo ng umaga sa Pilipinas) sa UFC APEX Facility Center sa Las Vegas, Nevada sa Estados Unidos.


Pormal ng pinalitan ito ni dating Pacific X-Treme Combat fighter Trevin Jones (12-6) laban sa 30-anyos na Dagestani fighter para sa main event bantamweight battle nina dating UFC lightweight champion Frankie “The Answer” Edgar ng US at Brazilian Pedro “The Young Punisher” Munhoz.


Sa inilabas na pahayag ni MMA reporter Igor Lazorin (@igorkakdela) sa kanyang social media account, sinabi nitong may bago ng makakalaban ang 30-anyos na Dagestani fighter sa katauhan ni Jones dahil sa hindi magandang pangyayari.


Tinur Valiev’s opponent changed a day before his debut in UFC. The previous opponent tested positive for coronavirus. New opponent Trevin Jones,” wika ni Lazorin sa kanyang twitter account.


Ayon kay Sambo National head coach Jerry Legaspi, nagkaroon ito ng ‘communication’ sa 2019 Southeast Asian Games Combat Sambo 74kgs gold medalist, at sinabi nitong dumaan ito sa dalawang swab testing at nakaranas umano ng sintomas.


He had slight fever and inflamed lungs while weight cutting,” wika ni Legaspi sa panayam ng Bulgar Sports sa online interview.


Ayon naman sa isang quote ng asianmma.com, "It remains to be seen why Striegl was forced to withdraw. Since the UFC resumed putting on regular ight cards numerous fighters have pulled out after testing positive for Covid-19. "


Nasa estado ito ng pagbaba ng timbang na mayroon pang binabawas na 8-lbs para sa regular na 135-lbs limit sa bantamweight category.


Bitbit ang 5-game winning streak, huling sumabak sa professional MMA ang Alliance Training Center Inc. member ng idepensa nito ang kanyang URCC featherweight title kay Shunichi Shimizu ng Japan na nagresuta sa No Contest dulot ng Low Blow noong Abril 27, 2019 sa URCC 77: Raw Fury.


Kilala bilang magaling na grappler ang 2019 Southeast Asian Games Combat Sambo 74kgs gold medalist na si Striegl (18-2-1), na nakuhang magwagi ng 14 na panalo sa pamamagitan ng submission holds; ngunit sa naging dalawang pagkabigo ni Striegl ay parehong nagmula rin sa submissions ang pagkatalo nito mula kina Jang Yong Kim ng Korea sa Pacific X-treme Combat dahil sa Kimura armbar at Reece Mclaren ng Australia sa pamamagitan naman ng rear-naked choke sa ONE Championship.


Mainit naman sa kanyang 6-fight winning streak ang Russian Dagestani na naudlot ang UFC debut sa UFC Fight Night: Brunson vs Shahbazyan makaraang magkaproblema sa visa. Huling lumaban si Valiev (14-2) noong Disyembre 13, 2019 laban kay Taigro Costa sa Gorilla Fighting 22 na nagresulta sa unanimous decision victory sa Krasnodar, Russia.


Nalasap nito ang huling talo kay bantamweight fighter Chris “El Guapo” Gutierrez sa isang split decision noong Pebrero 2, 2016, na kinalauna’y binawian rin niya noong Oktubre 7 sa unanimous decision.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page